^

PSN Opinyon

Fake news sa panahon ng krisis

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

May krisis man o wala, bahagi na yata ng buhay natin­ ang mga imbentong balita na kung tawagin ay fake news. Marahil, likas sa maraming tao kahit saan ang pagkahaling sa mga tsismis.

Kung minsan naman, kapag may mga kontrobersyal na pangyayari at mukhang nagpapatupad ng news blackout ang pamahalaan, ang tao ay madaling maniwala sa mga walang katotohanang balita. Para bang isang taong ginutom mo ng ilang araw, pagkatapos hahainan mo ng kahit panis na pagkain at ito’y susunggaban.

Ngunit sa panahon ng krisis tulad ngayon, dapat tayong­ maging mapanuri at hindi kara-karakang bibilhin ang balita at paniniwalaang totoo. Ngayong may COVID-19 crisis, manalig lamang tayo sa sinasabi ng mga awtoridad ng pamahalaan tulad ng Department of Health na espesya­lista sa mga bagay na pangkalusugan.

Sa bagong batas na nilagdaan nung isang gabi ng Pa­ngulo na nagbibigay sa kanya ng special authority, mas pinabigat na ang parusa sa mga tsismis na nagkakalat ng pekeng balita sa social media. Ewan lang kung mata­takot ang mga taong nakagawian nang maghasik ng gawa-ga­wang balita.

Sa panahong ito ng krisis, we need to be selective and discerning of all informations that come our way. While the government is poised to impose hard penalties to conve­yors of wrong information, fake news are all over the cyber­space. The most gullible of readers are vulnerable­ to be deceived.

Minsan, nakalilibang basahin ang mga imbentong ba­lita. May napanood akong dalawang video blog sa You Tube. Ang isa ay nagsasabing “biological warefare ng USA ang COVID-19 at ang isa naman ay nagsasabing kaga­gawan ito ng China. Okay lang sigurong maaliw sa ganitong hindi beripikadong alegasyon basta’t huwag lang basta-basta maniniwala. Wika nga, para ka lang nanood ng science fiction na pelikula.

Kung ikaw naman ay isang taong madaling mapaniwala, ang ganyan mga fake news ay maaaring magdulot ng ligalig sa iyong isip. Ano nga ba ang balita na dapat paniwalaan? Nakakagulo ng isip! Puwes, mas makabu­buting huwag na lang makinig o manood ng ganyang uri ng impormasyon.

Sa ngayon, isang bagay lang ang dapat paniwalaan. Mayroong krisis dulot ng COVID-19. Saan man nagmula ito, kagagawan man ng kalikasan o ng tao, gumawa tayo ng karampatang pag-iingat.

vuukle comment

FAKE NEWS

KRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with