^

PSN Opinyon

Matagal-tagal pa ito

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Unang nagprisinta ang Office of the Vice President (OVP) ng shuttle service sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para sa frontline healthcare workers na hirap makapasok sa kanilang trabaho dahil walang masakyan. Pero kahit ang ganitong magandang balita, hindi pa rin pinatawad ng mga nagkakalat ng fake news. Nakontra naman kaagad ang mga masamang hangarin. Anim na ruta ang siniserbisyo ng shuttle na dumadaan sa mga ospital. Ayon sa OVP, pag-aaralan pa kung paano mapapaayos ang serbisyo, dahil unang biyahe pa lang. May mga libreng sakay na rin ang administrasyon at AFP. Siguradong hindi sila nabiktima ng fake news.   

Sa press conference na isinagawa ng local government unit ng Quezon City noong Miyerkules, inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte na may mga lugar na may tigatlong positibong kaso ng COVID-19. Kaya minabuti nilang isailalim sa mas mahigpit na extreme enhanced community quarantine (EECQ). Ibig sabihin wala nang papayagang lumabas ng lugar, pati na rin ang pagpasok. Ang lugar sa paligid ng St. Lukes QC, East Avenue Medical Center, Lung Center, Heart Center, NKTI at Tandang Sora ay isasara rin. Dapat may malinaw na patakaran sa EECQ. Hindi pa alam kung gaano katagal ang quarantine kaya dapat mabigyan ng pahintulot ang kahit isang tao man lang na makabili ng pagkain o gamot. Hindi naman lahat ng tahanan ay nakapag-panic buying noong isang linggo. May pahintulot din dapat ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal. Hindi ko maisip ang magiging epekto sa mga nakatira sa mga lugar na naka-lockdown. Baka may mga mabalisa o tamaan ng depresyon. Ganun pa man, pag-aralan kung paano mapapahina ang tama ng impeksiyon sa mga makukulong na sa kanilang tahanan. Umakyat na sa 202 ang kaso, 17 ang namatay. May 29 na kaso ng COVID-19 sa Quezon City. Napakalaki ng Quezon City kung babantayan nang husto.  Kaya ang panawagan ay makibahagi ang lahat sa mga kilos at patakaran ng lokal na pamahalaan. Inaasahan na ang mahigpit na pagpapatupad ng EECQ ay balakid sa pagkalat ng virus. At napakarami ng mangangailangan ng tulong. Nasa 400,000 pamilya. Inasahan na sa isang linggo ay maipapamahagi na ang ihahanda nilang tulong.   

Marami ang nakahinga nang maluwag sa mga pahayag ng ilang banko at kompanya na pagbigay ng 1 buwang palugit sa mga babayarin. Pero sa katapusan ng 1 buwang palugit na iyan, hindi ba’t dodoble rin ang babayarin? Inanunsyo rin ng SM ang pagsuspindi ng upa sa kanilang malls sa buong bansa habang pinatutupad ang quarantine. Wala nga namang negosyo ang maraming tindahan dahil ipinasara nga ng gobyerno. Maganda naman at may mga grupo at kompanyang nagmamalasakit sa taumbayan. Ito na ang pinakaseryosong krisis na hinaharap ng buong bansa. Panahon para magtulungan at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno. Sa ngayon, tila tumigil ang ikot ng buhay. Walang duda, magnonormal din ito kinalaunan. Kung gaano kabilis o katagal ang magiging proseso, nasa sa atin na. 

vuukle comment

AFP

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with