^

PSN Opinyon

Huwag maging pasaway mag-stay kayo sa bahay!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NASA enhanced community quarantine ang Luzon at di­neklara ni Pres. Rodrigo Duterte ang 6 month national emer­gency sa bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19. Ganunman, kahit naka-quarantine na ang Luzon, marami pa rin ang pasaway na mga kababayan na lumalabas ng kanilang tahanan.

Ayon kay Asec. Eric Tayag, spokesperson ng DOH, mapipigilan ang paglaganap ng COVID -19 kung susunod ang sambayanan na manatili sa kanilang mga tahanan. Ang virus kasi ay nakukuha sa paghatsing, pag-ubo, at maging sa pagkakadikit-dikit ng alinmang parte ng katawan. Kapag dumapo ang virus sa isang tao tiyak na madadala niya ito sa kanyang pamilya at kakalat na ito nang kakalat sa buong barangay.

Kaya ipinasya ng pamahalaang Duterte na i-lockdown ang Luzon para wala nang makalabas o makapasok. Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay ipinakalat sa Metro Manila upang ban­tayan ang mga pangunahing kalye na nag-uugnay sa iba’t ibang lungsod, subalit marami pa ring sumusuway. Wala pa ring patid ang paggala ng ilang kababayan. Alam ng pamahalaan na marami sa ating mga kababayan ang isang kahig, isang tuka subalit hindi ito dahilan upang hayaan silang gumala sa mga kalye.

Nararapat sumunod ang mamamayan sa utos. Manatili sa tahanan habang gumagawa naman ng hakbang ang pamahalaan para ganap na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kahapon nag-ikot si PNP deputy for operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga inilatag na checkpoint para makita ang sitwasyon. Nakita niya ang mga kababayan na naipit sa mga check point na inilatag ng PNP/AFP at DOH.

Sa Manila Police District-Station 4, may gimik si Lt. Col. John Guiagui sa pagkumbinsi sa mga residente roon. May placard na hawak ang kanyang mga pulis na may nakasulat na “Please Stay at Home and Help Us to Stop Spreading the Virus”

Samantala, inilagay na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa extreme community quarantine ang ilang barangay sa lungsod matapos na madagdagan pa ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Sumunod tayo sa panawagan ng Duterte administration na manatili sa tahanan sapagkat ito’y para rin sa ating kapakanan. Huwag na tayong magbakasakali dahil ang COVID-19 ay walang sinasanto – mayaman man o mahirap. Manatili sa loob ng ating tahanan para hindi tamaan ng virus.

vuukle comment

COVID-19

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with