^

PSN Opinyon

Frontliners bigyan ng ‘hazard pay’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Hindi biro ang trabaho ng mga frontliners na nagmo-mo­nitor sa madlang people na baka may dalang kinatatakutang sakit na COVID-19.

Siguro kailangang bigyan ng karagdagang sahod ang mga nasa frontliners lalo na ang mga taga-Bureau of Immigration sa mga international airport dahil sila ang unang tatamaan ng COVID-19, kung mayroon man maliban sa mga pasaherong kasamahan nito sa eroplano.

Ano ang dapat?

Hazard pay sa mga frontliners dahil alam naman natin napakamahal ngayon ma-ospital.

Sabi nga, hindi biro ang magkasakit sa panahon ng COVID-19!

May isang senior citizen na taga-immigration sa NAIA ang halos maiyak sa takot na magkasakit ito ng COVID-19 kasi hindi na dapat sila pinagdu-duty sa ngayon porke mas susceptible sila na tamaan ng coronavirus lalo’t mahina na rin ang kanilang mga katawan dahil sa edad.

Kaya nananawagan sila kay Commissioner Jaime Mo­rente na pag-aralan ang kanilang sitwasyon para naman hindi sila magkasakit sampu ng kanilang mga pamilya.

Sa totoo lang limitado ang supply ng testing kits sa mga ospital kaya naman nakakatakot dahil sa palagay ng ilang madlang people ay walang umano’y testing sa COVID-19 na nangyayari sa ngayon maliban lamang sa mga may pitsa?

Ano sa palagay ninyo?

Limited ang testing kits kaya naman dapat lamang itong ibigay sa mas nangangailangan.

Dapat pantay-pantay ang trato sa mga may sakit ng bu­ong puso.

Hindi lang sa mga matataas na tao sa Philippines my Philippines.

Tama ba?

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with