^

PSN Opinyon

Kakulangan sa COVID-19 test kits

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

“Parang sumugod kami sa giyera na walang armas!”

Iyan ang tugon ni Dr. Leopoldo Vega, executive director ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na pa­ngunahing ospital dito sa katimugan lalo na sa pag-aasi­kaso sa mga kaso ng COVID-19 na kasalukuyang nana­nalasa sa buong mundo ngayon.

Ang ibig sabihin ni Dr. Vega ay ang kawalan ng test kits para sa COVID-19 upang malaman agad kung ang isang tao ay infected ba o hindi.

‘Yan ang naging problema ng Pilipinas dahil nga kaka­rampot lang ang test kits. Kailangan pang maghintay kung kailan magagawa ang sinabing production ng Pilipino scientists na test kits. 

Mahalaga ang test kits lalo na kung parami nang pa­rami ang bilang ng mga nagka-COVID-19 ngayon dahil kulang nga rin ang mga existing isolation rooms sa ating mga ospital dito sa bansa.

Gaya ng sa SPMC mas mainam sana kung may test kits na upang malaman na agad kung ang mga pas­yente nila ay negative nga o hindi sa infection at nang sa ganun ma­ibigay na rin sa ibang pasyente ang mga kinakailangang hospital beds for their treatment. 

Kagaya na lang ng nangyari sa South Korea kung saan kahit nga drive through lang puwede nang magpa-test ng COVID-19 dahil nga may sapat silang supply ng test kits. E, tayo wala --- kaya hanggang hintay na lang tayo kung kailan magkakaroon.

Ito ang ginagawa sa South Korea para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19:

“The preventative measures being taken in South Korea have so far involved no lockdowns, no roadblocks and no restriction on movement.

Trace, test and treat is the mantra. So far this country of over 50 million people have been doing their bit to help. Schools remain closed, offices are encouraging people to work from home, large gatherings have stopped.” 

Ganito na rin ang ginagawa sa ating bansa makaraang ipatupad ni President Rodrigo Duterte ang enhance community quarantine sa buong Luzon noong Lunes ng gabi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with