^

PSN Opinyon

Ang doktor na nakapansin sa coronavirus disease-2019

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Palibhasa millennial na laki sa social media, mahilig mag-post ng anu-ano sa Weibo, pinaka-Facebook sa China, si ophthalmologist Dr. Li Wenliang, 33. Puro asawa, anak, at kain lang ang sine-share niya. Pero minsan, nang 40 ang namatay sa banggaan ng tren sa Wenzhou nu’ng 2011, tinuligsa niya ang pagsibak sa reporter na nag-usisa tungkol sa kaligtasan. Mahalaga kay Li ang kapakanang publiko, at katotohanan. At ayaw niya ang pagmamalabis ng kapangyarihan. Minarkahan siya.

Hindi kataka-taka na nu’ng Dec. 30 nag-post siya sa mga kapwa doktor tungkol sa kakaibang kulumpong ng mga pasyenteng pneumonia sa ospital na pinagtatrabahuhan sa Wuhan. Walang paliwanag kung bakit sila naka-quarantine, at nagtitinda sila lahat sa seafood market. Aniya person-to-person transmission ‘yon, bagamat nagmula sa kung anong hayop. Pinag-ingat niya ang mga ka-chat sa tila SARS. Tapos, winasto niya na hindi pa tiyak kung SARS nga. Pero huli na siya. Nag-viral ang unang post sa labas ng chat group. Kasama ang pangalan niya.

January 3, pinatawag siya ng pulis sa salang pagkakalat ng tsismis at paggulo sa lipunan. Inimprenta ang dalawang tanong sa kanya. “Hihinto ka na ba sa mga ilegal?” Opo, aniya, at nag-thumbprint ng pulang tinta. “Alam mo bang makukulong ka sa susunod?” Muli, opo at thumbprint.

Buti gan’un lang, Hindi siya ipiniit, o minultahan, o inalisan ng lisensiya. Nag-birthday resolution siya na magiging simpleng tao na at iiwas sa gulo ng mundo. Bumalik siya sa trabaho sa eye clinic. January 8, ginamot niya ang 82-taong lola na may glaucoma. Dahil wala itong lagnat, hindi nag-medical mask si Dr. Li. Isa rin pala itong tindera sa kontaminadong palengke. Kinabukasan inuubo na si Dr. Li. Agad isinakay niya ang pamilya sa tren patungo sa biyenan. Nagpa-quarantine na rin siya sa ospital. Nang gumaling, balik siya sa pagtingin ng mga pasyente ng bagong sakit. Nahawa uli. February 7, marami silang pumanaw. Dinakila siya ng publiko, na tumuligsa sa pananakot ng awtoridad.

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with