^

PSN Opinyon

Huwag balewalain ang utos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ISINAILALIM na sa community quarantine ang Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ngayon, puspusan ang pagpupulong ng local government units (LGUs) upang balangkasin ang mga alituntunin sa community quarantine lalo na sa Metro Manila kung saan maraming hospital na ang pinagdadalhan ng mga nagkakasakit ng COVID-19. Maraming gusali ng pamahalaan ang dini-disinfect. Ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaang Duterte na mabigyan ito ng solusyon patuloy naman ang pagpa-panic ng ilang kababayan. Nililimas ang paninda sa mga supermarket. Pinapakyaw ang alcohol, facemask at maging ang mga pagkain kaya kaawa-awa ang mga kababayan na isang kahig, isang tuka. Ang Philip­pine National Police at Armed Forces of the Philippines ay hinahanap na ang hoarders.

Ang pasok sa school ay suspendido hanggang Abril 12 kaya bawal muna gumala ang lahat ng mga estudyante. Kaya paalala sa mga magulang, sabihan ang inyong mga anak na manatili sa bahay upang makaiwas sa COVID-19. Ipinagbawal din ang pagbiyahe ng mga eroplano kaya walang makakalabas at makakapasok ng Metro Manila mula bukas (Marso 15), ngunit kapag bumuti­ na ang sitwasyon ay ibabalik naman ito sa normal. Ang inter­national flights ay hindi kabilang sa lockdown kaya ang mga kababayan natin na nagnanais na bumiyahe o umuwi ay malayang bumiyahe liban na lamang doon sa mga bansang talamak ang virus ng COVID-19. Kaya mga kababayan, huwag tayong mag-panic dahil ang pamahalaang Duterte ay gumagawa ng mga hak­bang na mailagay tayo sa mas ligtas na kalagayan.

Sa tala ng DOH, 52 na ang positibo sa COVID-19 at lima sa mga ito ay namatay na. Kaya ang mabuting gawin mga suki, ay sundin ang mga paalala ng Presidente upang maging maayos ang pagkilos ng mga ahensiya at upang hindi na kumalat ang COVID-19. Mamili lamang sana tayo ng sapat sa ating pamilya upang ang iba nating mga kaba­bayan ay magkaroon din ng pagkakataon na makabili ng kanilang kailangan. At upang lalong makaiwas tayo sa kontaminasyon ng COVID-19, iwasan muna nating ang pakipagsiksikan sa mga matataong lugar. Samahan n’yo na rin ng dasal para mawala na ang COVID-19. Maging si President Duterte ay nagsabi na wala pang gamot na natutuklasan para COVID-19. Magkaroon ng disiplina sa sarili para makaiwas sa sakit na ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with