^

PSN Opinyon

Panic-buying na? (Part 1)

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

GRABE ang pila papasok ng parking sa mga mall na may supermarket. Kung makapasok ka man, tila mga langgam ang tao na umiikot-ikot sa loob ng bilihan. Sari-sari ang hinahakot ng mga mamimili. Dose-dosenang alcohol at hand sanitizer. May humahakot ng toilet paper. Toilet paper? BakIt? Tila gumaya na ang tao sa nangyayari sa Australia at Amerika. Ang iba naman! Sari-saring pagkain ang laman ng shopping cart. Mga kilo-kilong karne, isda, manok. May humahakot naman ng instant noodle. May bumibili nang maraming clorox, Lysol at iba pang panlinis. At siyempre kasama na ang mga delata at bigas. Parang giyera. Parang magugunaw na ang mundo.

Ganito ang epekto ng takot bunsod ng pagdami ng posi­tibong kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa Metro Manila. Umakyat na nga sa 52. Ang hinahakot ng mga may­bahay ay mga suplay ng pagkain at gamit para maiwasan ang madalas na paglabas ng bahay. Nandiyan din ang pangamba na baka magkaroon ng “lockdown” sa Metro Manila. Pati sa mga botika ay may panic-buying ng gamot para sa lagnat at ubo. Ayon kay DTI Sec. Lopez, hindi naman kailangang mag panic-buying dahil hindi naman pinag-iisipan sa ngayon ang “lockdown” ng Metro Manila tulad ng ginawa sa Italy. Kung maraming negosyo ang nalulugi ngayon na dahil walang kostumer, todo kita naman ang supermarket at botika. Maraming istante ang wala na ngang laman.  

Pero para sa iba, mabuti ang maingat at handa. May kilala ako na bumuo ng tinatawag niyang “Go Bag” kung saan may lamang ilang delata na mabubuksan kahit walang abrilata, tubig, radyo na de-baterya at flashlight at ekstrang baterya, Swiss knife, charger ng cellphone na hindi kaila­ngan ng kuryente, mga wipes at toilet paper, toothbrush at toothpaste pati na rin mga tsokolate at ibang makakain. Ito ang bag na madadampot mo na lang sa oras ng kalamidad tulad ng lindol, malakas na bagyo kung saan mawawalan ng kuryente. Kung kailangang lumikas ng taha­nan ay may dala nang suplay. Natural na para sa ilang araw lang ang mailalagay sa bag at depende rin sa bilang ng miyembro ng pamilya. Ayon sa kilala ko na isa lang ang anak, ang laman ng kanyang Go Bag ay aabot ng limang araw. Siguro inaasahan niya na sa loob ng ilang araw ay magiging normal na ang sitwasyon. Kung ganun nga ang mangyari. Sa panahon ng kalamidad o krisis, hindi talaga masasabi kung kailan magiging normal. (Itutuloy)

vuukle comment

PANIC BUYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with