^

PSN Opinyon

Ang COVID-19 sa tingin ng madlang Pinoy

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Pinagsabihan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines at ang Manila International Airport Authority na huwag munang singilin ang mga nag-take off, landing at parking fees ng local airlines dahil sa epekto ng COVID-19 sa airline industry. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may emergency. Kaya naman ang gobyerno ay kaila­ngang gawin ang mga bagay na maaaring mapahupa ang emergency? 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-decision making ang MIAA at CAAP na tulungan ang airlines dahil bumaba ang mga flights nito at ang bilang ng mga pasahero dahil sa COVID-19. Sa parte ng CAAP sinabi ni Director General Jim Sydiongco, isinasa­alang-alang na huwag munang pagbayarin ang pag-landing at parking­ ng mga eroplano habang aktibo pa ang COVID-19. Hindi lamang ang mga international airlines ang sakop ng ka­utusan kundi pati ang mga lokal na airline operating­ sa MIAA, at sa ilalim CAAP ay sakop ang kautusan. Si­nabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, ipinagpaliban ang singil sa mga local carrier na may kabuuang halaga na P58-million sa 1 buwan. 

Samantala sa local airlines operating sa ilalim ng CAAP ay makakatipid ito ng P37-million isang buwan sa mga tuntunin ng ipinagpaliban na take-off, landing page, at parking fees. Ang mga airline ay babayaran ang deferred charges sa sandaling ang banta ng COVID-19 sa Philippines my Philippines ay inalis na.

“Mayroon kaming scheme na ipapatupad. Magkakaroon kami ng oras upang muling bisitahin at suriin kung paano namin ito mabawi,” sabi ni Monreal. Sabi ni Sydiongco, “tinitingnan natin kung paano sila makaka-recover that’s why we’re talking about over a year of deferment and over a year of payment.”

Bukod sa pagpapaliban ng bayarin, ang aviation at airports sektor ay din na naghihikayat sa mga airline na i-boost ang local tourism. Tiniyak ni Monreal, ang mga airline passengeers na ang NAIA ay sanitized at desimpektado ng buong magdamag. Ibinida ni Monreal, bawat 30-minuto meron naglilinis, sa domestic nagdagdag pa tayo ng thermal scanner. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inutos ni Boss Digong ang State of Public Health Emergency, kasunod ng pagkumpirma ng DOH sa 10 kaso ng COVID-19 sa Philippines my Philippines.

vuukle comment

ARTHUR TUGADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with