^

PSN Opinyon

Ang POGO at si Gatchalian

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Hindi kawalan sa Philippines my Philippines kung mag­sasara ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO kaya naman binigyang katiyakan ito ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuko na rin sa wakas ang diumano’y mga paglabag sa anti-money laundering dahil nakakapa na rin ng mga autoridad sa airport na may mga limpak-limpak na dollar ang dala ng mga Chinese nationals na pumapasok sa mga international airports na nagiging empleado ng POGO.

Ikinuento ni Gatchalian na noong 2016 ay walang POGO sa Philippines my Philippines pero umaangat ang “gross domestic product” o GDP kahit pa umalagwa ang POGO last 2019.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala si Gatcha­lian, ang malaking dagok oras na mawala ang mga empleado ng POGO na pawang mga Chinese nationals ay siguradong mababakante ang mga rented condominium ng mga ito.

Birada ni Gatchalian, PAGCOR lang ang kumikita ng P6 billion pero ang BIR ay bokya at ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagastusan pa ang gobierno ng Philippines my Philippines dahil sa mga ginawang trabaho ng mga autoridad regarding sa kidnapping, human trafficking, prostitution at money laundering na pinaggagawa ng mga kamoteng Chinese nationals sa atin.

Ika nga, doble trabaho at gastos para sa mga autoridad ang nangyari.

Ano kaya ang mainam gawin tungkol dito?

Siguro dapat munang isara ang POGO at lagyan ng safeguard ng Philippine government ito!

Korek ka diyan.

Si Collector Talusan ng NAIA

Hindi nakawala sa mga tauhan ni NAIA-BOC District Collector Mimel Talusan ang isang Malaysian national na may dalang P1,100,000 nang dumating ito sa NAIA Terminal 3, the other day.

Kinilala ni Talusan, ang isang Gan Kang Hsiung, 32, ng Kota Kinabalu, Malaysia, na nakuhanan ng Philippine money na bitbit nito at ipupuslit sa Philippines my Phlippines.

Nasungkit si Gan, last March 6,2020 nang dumating ng 9:30pm sakay ng Air Asia flight Z2-502 galing Malaysia.

Napansin ng mga matatalas na mata na mga tauhan ni Talusan si Gan habang nakapila sa Customs arrival counter na hindi mapalagay habang kasama ang dalawang kaibigan kaya sa duda ng grupo ay sinuri nila ang dalang bagahe ng Malaysiano.

Presto, dahil nakita ang salaping dala ni Gan kaya sabit na ito!

Ikinuento ni Talusan sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mahigpit na ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang importation at exportation ng Phi­lippine currency alinsunod sa ilalim ng BSP Advisory on Cross-Border Transfer of local and foreign currencies.

Sabi nga, piinahihintulutan lamang na magdala ng pera ang pasahero na hindi lalampas sa P50,000.

Ano nangyari sa pera? Ayon kumpiskado. Hehehe!

vuukle comment

PAGCOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with