^

PSN Opinyon

Nagmamadali ba si Velasco?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

May mga pala-palagay na ang nagpasimuno sa bigong kudeta sa Mababang Kapulungan ay si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, pero sino ba siya talaga? Iyan ang tanong ng marami. 

Alam lang natin na siya ang ka-term sharing ni House Speaker Alan Peter Cayetano, isang kasunduan na binas­basan ni Presidente Duterte. Pero kung totoo ang hinala ng marami, tahasang paglabag ito sa kasunduan na uupo lang siya sa pagka-speaker kapag natapos ni Cayetano ang kalahati ng termino sa Oktubre tulad ng napagkasunduan. Bakit siya nagmamadali? 

Lamang si Cayetano sa kuwalipikasyon. Hindi lang kongresista kundi naging Senador pa si Cayetano. Naging Secretary of foreign Affairs din siya. Manipis ang track record ni Lord. May pagkakontrobersyal pa siya dahil sa mga naibabalitang mga magagarbong party na iniinsponsor niya kapag birthday ng Pangulong Duterte o ‘di kaya ng ninong niya sa kasal na si Ramon Ang ng San Miguel Corp. Si Lord ay unang naging miyembro ng staff ng kanyang ama, si Associate Justice Presbitero Velasco sa Supreme Court. Naging provincial administrator din si Lord sa Marinduque at chapter president ng Integrated Bar of the Philippines.

 Muntik pa nga’ng hindi makaupo si Lord bilang congressman ng Marinduque noong 2013 nang matalo siya kay Regina Ongsiako-Reyes. Pero nakalusot si Lord dahil­ pinalabas niyang American citizen si Ongsiako-Reyes kaya nadisqualify. Kaya lang  ay sa huling linggo na lang ng 16th Congress nakaupo si Lord. 

 Ang kanyang ama na si Governor Presbitero Velasco ay naging justice sa Supreme Court. Naging kontrober­syal din siya dahil naibalitang nakialam siya sa kampanya ni Lord sa pagka-congressman ng Marinduque, ayon sa lib­rong “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court  na isinulat ng veteran journalist na si Marites Dañguilan-Vitug. Nademanda si Vitug ng libel dahil dito. Naging tanyag tuloy si Justice Velasco bilang kauna-unahang nakaupong mahistrado ng Korte Suprema na nagdemanda ng libel laban sa isang mamamahayag. 

Maraming isinulat si Vitug laban kay Justice Velasco sa kanyang aklat, bagay na ikinagalit ng huli kaya nagdemanda ng libelo laban sa manunulat.

 Matindi ang mga alegasyon ni Vitug sa kanyang aklat. Ayon sa kanya, nilakad daw ni Justice na mapawalang-sala ang convicted drug lord na si German Agojo. Bumigay lang daw si Justice Velasco at nakiisa sa pasya ng mayorya nang makita niyang nag-iisa lang siya sa pagkampi kay Agojo.

Marami pang isinulat si Vitug na nagsasagkot sa matandang Velasco sa mga iregularidad at kukulangin ang ating espasyo kung tatalakaying lahat. Ngunit papaano kung dumating ang araw na kailangang talakayin ng Kamara de Representante ang mga paratang kay Justice Velasco?

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with