^

PSN Opinyon

Pilot error ang dahilan?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAUDLOT ang pakikipagpulong ni Philippine National Police chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa Calabarzon police matapos bumagsak ang sinasakyang heli­copter noong Miyerkules. Sumabit ito sa kawad ng kur­yente nang mag-takeoff papuntang Camp Vicente Lim. Pilot error ang tinitingnang dahilan. Bago pa mag-take off ay kitang-kita ang pag-alimpuyo ng alikabok kaya wala nang makita sa daraanan.

Pinilit ng piloto na lumipad sa kabila na makapal ang alikabok sa kapaligiran kaya sumabit ito sa kawad ng kuryente sa Laperal Compound, Barangay San Antonio­, San Pedro Laguna. Ayon sa report nang lumapag pala ang helicopter, binasa muna ng mga bombero at ng PNP-Highway Patrol Group ang lupang paglalapagan ng helicopter subalit nang papalipad na ito ay natuyo na ang lupa at naka­ligtaan na basain.

Ginarantiya ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ro­nald “Bato” dela Rosa na nasa maayos na kondisyon ang helicopter dahil bago ito. Sa panahon ni Bato nabili ang helicopter sa halagang P435.8 milyon. Maging ang mga piloto nito ay pinag-aral pa sa US at sa France kung kaya may kakayahang magpalipad ng helicopter.

Mabuti at ligtas na si General Gamboa at ang kanyang mga kasamahan na sina MGen. Mariel Ma­ga­way, MGen. Jose Maria Ramos, BGen. Bernard Banac, Capt. Gayrama at maging ang mga piloto na sina LtCol. Zalatar, LtCol. Macawili at SMS Estona.

Ang masakit, nasa malubhang kalagayan pa rin sina MGen. Magaway at MGen. Ramos dahil sila ang napuruhan ng husto sa pagbagsak. Mga suki, ipagdasal natin na maligtasan nila ang trahedya.

Nagtungo si Gamboa sa San Pedro at binisita ang impounding area ng PNP-HPG doon upang tiyakin na hindi magagamit ng mga dorobong pulis ang mga na-recover na mga sasakyan sa masamang gawain.

Ipinag-utos din ng PNP chief sa kapulisan na sitahin ang riding-in-tandem na sangkot sa krimen. Ang masakit, nalagay sa panganib ang buhay ni Gamboa at mga kasama.

Dahil sa nangyari, ang pakikipagpulong ni Gamboa sa mga opisyales ng Calabarzon police ay kanselado muna at nasisiguro na matutuloy pa rin naman ito sa mga susunod na araw kapag gumaling na ang PNP chief.

vuukle comment

ARCHIE FRANCISCO GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with