^

PSN Opinyon

Kumupas na nga ba ang Dilaw?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

Minsang ginapos ng paniniil ang mga mamamahayag noong martial law. Mamamahayag din ang naging armas para maibalik ang tunay na kalayaan at demokrasya sa tao. At, sa totoo lang, mamamahayag din ang ngayo’y tila nalilito kung ano ba ang dapat na binabantayan at patuloy na ipinaglalaban. Kung bakit nagtagal ang mga abuso at pambabastos sa mga karapatan ng tao sa panahon ni Marcos noon, mahigit 20 taon, ay dahil din sa paglalamya ng karamihan ng mga mamamahayag. May Ilan na nagtapang. Mga napatay, o kinulong, o sinira ang buhay. Pagmamay-ari ng mga negosyante ang diyaryo o istasyon. Lahat ay natakot. Hanggang sa ang pananahimik at ang takot ang tinanggap nang bagong normal.

‘Di ba nga’t parang nauulit ang kasaysayan? Marami ang takot, kasama na ang mga mamamahayag na nanlalam­yang magsalita ng diretsuhan. Marami na ang nakikita kong tanggap nang bagong normal ang takot na ito na nagpapa­kimi sa kanila. Bago na ang mga gumaganap pero iyon pa rin ang script ng zarzuela. Hindi ako magtataka na, kung magpatay-malisya pa rin ang karamihan ng mahaba-haba pang panahon, magpapatuloy pa rin ang kasalukuyang kalakaran sa darating na dekada. Ang pailalim pa lang ngayon ay magi­­ging tahasan kundi opisyal.

Nanawagan ng pagkabit ng mga dilaw na ribbon noong anibersaryo ng EDSA, pero hindi ko naramdaman. Lito ang karamihan, kasama na ang dating mga tagabantay ng kasarinlan at kalayaan. Dahil minsan nang nagising, ngayon ay inaantok na ulit. O nagtutulug-tulugan kasi takot... o naki­ki­nabang.

Walang kulay ang prinsipyo. Hindi kulay ang nagdala ng pagbabago noon. Malamang ay hindi rin kulay ang hinihintay ng tao para magising ulit.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with