^

PSN Opinyon

Hostage drama

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON nabulabog ang mga mamimili ng isang mall sa San Juan City nang i-hostage ng isang dating guwar­diya ang 27 katao na karamihan ay personnel ng mall. Habang isinusulat ko ito, hindi pa napapasuko ang guwardiya. Paano kaya ito nakapasok sa gusali? Malinaw na may kakulungan sa pag-inspeksyon sa mga pumapasok kaya nakalusot ang naburyong na guwardiya. May hinala ako na kaya nakalusot ang guwardiya ay dahil mga ka­baro niya ang nagbabantay kaya hindi na dumaan sa ins­peksiyon. Wake-up call ito sa mga security agency upang maging alerto sa lahat ng oras. Kung magpatuloy ang pakaang-kaang ng mga guwardiya sa mga mall o kahit saan mang establisimento, tiyak na nasa panganib ang shoppers at empleyado.

Dumating sa lugar sina San Juan City mayor Francis Zamora, National Capital Region Police Office chief MGen. Debold Sinas, buong puwersa ng San Juan Police at Spe­cial Weapon and Tactics ng Eastern Police District. Ma­lamang na malalagay sa alanganin ang security agency sa pagsulong ng imbestigasyon. Sanay huwag naman puro imbestigasyon ang gawin ni Mayor Zamora at Ge­neral Sinas. Dapat namang isalang muli sa retraining ang mga guwardiya nang di na maulit ang pangyayari. 

Samantala, na-entrap ng mga tauhan ni PNP-IMEG BGen. Ronald Lee sa Bacolod City si Maj. Melvin Madrona, ang hepe ng CIDG sa nasabing lungsod habang nangingikil. Mukhang hindi pa kuntento si Madrona sa suweldong ipinagkaloob sa kanya ni Digong kaya humaharibas pa.

Nangikil si Madrona sa ZtrpZone KTV na ni-raid nila noong Pebrero 8 at nakahuli ng 12 dancers at 12 Japanese costumers. Kinabukasan, na-release ang mga ito matapos magbigay ng P5,000 protection money ang KTV owner. Subalit bago i-release, nag-demand uli si Madrona ng P6,000 sa para sa kanyang travel expenses at hotel accommodations.

Noong Pebrero 20, ibinigay ng may-ari ng KTV ang paunang weekly protection money na P5,000 sa nagngangalang SMS Nabarte sa opisina ng CIDG. Walang kamalay-malay si Madrona na nakipag-coordinate ang KTV owner sa IMEG Visayas at nahuli ito sa loob ng sabungan. Nakakulong na siya ngayon. Ang masakit malulusaw ang kanyang pinaghirapan ng 20 taon sa serbisyo. Madadamay sa paghihirap at kahihiyan ang kanyang pamilya.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with