^

PSN Opinyon

Single-use plastic bawal na sa gobyerno

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Habang laganap ang paggamit sa mga kasangkapang plastic na minsanan lang nagagamit, patuloy na nabibi­ngit sa kapahamakan ang ating kapaligiran. Ito’y problema ‘di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kaya nilagdaan na ni Environment Secretary at National­ Solid Waste Management Commission chairman Roy Cimatu­ ang isang resolution na nagbabawal sa paggamit ng “single use plastic”sa lahat ng mga government offices sa buong bansa. Ito ang Resolution 1363 series of 2020. 

Kabilang sa ipagbabawal ay mga plastic cups, straws, coffee stirrers, plastic spoons, forks, knives, plastic bags at sando bags. Inaatasan ang lahat ng mga tanggapin ng gob­yerno na ipatupad ang pagbabawal sa mga plastic utensils. Sa ilang pribadong establishments tulad ng mga fast food restaurant ay ipinatutupad na rin ito, ngunit hindi sa lahat. Depende ito kung may ordinansang nagbabawal sa plastic sa mga lungsod o bayan na kinaroroonan ng restaurant.

Naniniwala ako na dapat na rin ipatupad nang puspusan­ ang pagbabawal sa mga restaurants, lalo na yung mga fast food na karamihan sa mga kagamitan ay gawa sa plastic na pangunahing dahilan ng pagbabara sa mga karagatan at daluyan ng tubig. Ang hirap lang, unti-unti lang ang imple­mentasyon ng kautusan. 

Kakailanganin dito ang act of Congress para bubuo ng kaukulang batas laban sa paggamit ng plastic na minsanan lang ginagamit. Diyan marahil kailangan ang political will ng ating Pangulong Duterte na sa maraming pagkakataon ay napatunayan na.

Maging sa mga plastic utensils ay mayroon pa ring hindi maipagbawal dahil walang alternatibong maipapalit sa mga ito. Sa ngayon, walo lamang ang ipinagbawal gamitin at ipinaliwanag ni DENR Usec. Benny Antiporda kung bakit.

Ayon kay Antiporda, isinasaad sa Republic Act 9003 section 29 na ang mga gamit na yari sa plastic na wala pang alternatibong kapalit ay puwede pa ring magamit.

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with