^

PSN Opinyon

Indonesia, tinutuya na rin ng Beijing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Walang tigil ang mga Komunistang naghahari sa China sa pag-angkin ng karagatan ng mga kapit-bansa. Nu’ng Disyembre dinumog na naman ng mga Chinese poachers­ ang Natuna Islands ng Indonesia. Pinamunuan sila ng armadong fisheries militia sa ilalim ng Chinese Navy. Kinunsinti pa ng mga barko ng Chinese Coast Guard.

Ang Natuna ay nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Indonesia. Dati nang nagnanakaw ang mga Chinese ng isda roon. Hinuhuli sila ng Indonesian Ministry of Fisheries at pinapasabog ang mga lantsa. Dati-rati ang palusot ng mga Chinese ay kesyo traditional fishing grounds nila ang Natuna. Pero nitong huling prinotesta ng Indonesia ang pamamasok nila, sumagot ang Beijing na teritoryo umano nila ang Spratlys. Pinahiwatig nito na tinuturing ng Beijing na bahagi ng Spratly archipelago ang Natuna, bagamat 800 milya ang layo nito. Wala itong pinagkaiba sa pag-angkin ng Beijing sa Panatag (Scarborough) Shoal sa dagat ng Pilipinas, dahil bahagi kuno ng Spratlys maski 650 milya ang layo.

Hinamon ng Indonesia ang Beijing na ilahad ang legal na batayan, kung meron man, sa claim nito sa Natuna. Ipinaalala ng Indonesia sa Beijing na ibinasura ng UN court nu’ng Hulyo 2016 ang pag-angkin nila sa buong South China Sea -- matapos silang idemanda ng Pilipinas.

Dati nang binu-bully ng China ang Pilipinas. Nanghi­himasok din ito sa karagatan ng Vietnam at Taiwan. Taun-taon pinapasok ng Chinese Navy ang mga bahura ng Malaysia at Brunei.

Ang mensahe sa asal ng Beijing ay lulupigin nila ang karagatan ng mga bansa sa Southeast Asia miski ilegal sila. Dadaanin nila ito sa dahas militar at mapanlinlang na diplomasya. Palaaway ang China sa ilalim ng mga Komunista. Napipilitang mag-armas ang mga kapit-bansa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CHINESE

CHINESE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with