^

PSN Opinyon

Tinderong rapist

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

NANG makita ni Yuan ang ginagawa ni Jeralt kay Rhea, agad siyang umalis at nagsumbong sa may-ari ng sinehan na si Jodi. Pero sinaway siya ni Jodi at sinabing huwag makialam. Hindi natinag si Yuan. Matiyaga niyang hinintay­ si Rhea na lumabas ng sinehan at sinundan hanggang ma­kauwi sa bahay. Pagkatapos ay kinausap niya ang mga ma­gulang nito para ipaalam ang nangyari.

Sinamahan pa niya ang tatay ni Rhea na si Julius na magsampa ng reklamo sa mga pulis at tuloy hanapin si Jeralt sa palengke kung saan tindero ang lalaki. Inaresto si Jeralt at dinala sa presinto. Pagkatapos ng kaukulang imbestigasyon at pagsuri sa biktima, sinampahan si Jeralt ng kasong rape sa korte. Matapos ang arraignment kung saan itinanggi ni Jeralt ang akusasyon laban sa kanya, nagdesisyon ang korte at hinatulan ito sa kasong rape. Ayon sa korte, kahit hindi napatunayan ng prosekusyon na guma­mit ng dahas o puwersa si Jeralt para mapagtagum­payan na makuha ang pagkababae ni Rhea ay rape pa rin ang nangyari dahil ang biktima ay pipi’t bingi at wala sa tamang pag-iisip kaya hindi matatawag na pumayag ang biktima sa nangyari.    

Kinatigan ng Supreme Court ang desisyon ng mababang hukuman. Ayon sa SC, dahil sa pisikal at mental na kalagayan ni Rhea, hindi masasabing nasa tamang wisyo siya nang pumayag na may mangyari sa kanila ni Jeralt. Paano makakatanggi ang isang pipi’t bingi na trese anyos na dalagita sa isang lalaking may taas na 5’8 na tulad ni Jeralt. Isa pa, nakakagulat ang lugar at oras na ginawa ang pagwasak sa pagkababae ng biktima.

Isang taong nasa tamang pag-iisip lang ang tatanggi at makapag-iisip ng kahihinatnan ng ginawa nilang pagtatalik sa loob ng isang pampublikong palikuran kaya hindi masasabing nagkaroon ng intelihenteng desisyon sa nangyari ang biktima. Wala siyang kamalay-malay sa moral na epekto at sa sasabihin ng publiko sa nangyari dahil kahit nga ang paliligo sa ilog ng nakahubad at pagtalon sa tulay ay hindi man lang niya naiisip.

Imposible rin ang palusot ni Jeralt na si Rhea pa ang nang-akit at nagyaya sa kanya na makipagtalik sa palikuran ng mga lalaki. Sa katunayan nga, doon sila nahuli sa CR ng babae. Ibig sabihin, siya ang pumasok doon at nagtangka ng masama sa biktima. Wala rin siyang ebidensiya tungkol sa mga kahalayan na ibinibintang kay Rhea maliban sa sariling mga paratang (People vs. Burgos, G.R. L-40494, July 30, 1982).

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with