^

PSN Opinyon

Kampanya ni Gamboa vs illegal gambling

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ang “no take policy” sa illegal gambling. Nitong mga nagdaang araw, maraming naglundagan matapos paghuhulihin ang mga sugal lupa sa Metro Manila. Pruweba ito na may kamandag at bayag si Gamboa­. Ma­laki ang naging papel nina MGen. Jigs Coronel­ at BGen. Ronald Lee sa kampanya ni Gamboa sa illegal gambling. Walang sinasanto sina Coronel at Lee. Kaya masasabi kong nagtatagumpay na ang pakikipagdigma ni Gamboa kontra sugal. Halos lahat ng mga kinamumuhian kong video karera/fruit game machine o devil machine ay nakum­piska ni Lee sa Metro Manila kahit hawak ng mga retirado at akti­bong pulis.

Subalit natitira pa ang mga devil machine ni Boboy Go malapit sa Northern Police District. Mukhang may kapit ito sa malapit na kaibigan ni Gamboa kaya hindi natitinag. Maging ang kay Myrna Gutierrez sa kaharian ni Mayor Isko Moreno ay patuloy pa rin kaya sandamukal ang adik sa Maynila. Ang pinagtitripan kasi ng mga adik ay ang video/fruit game machine. Nakalatag ang machines ni Guttierez sa squatter’s area at protektado ito ng barangay offi­cials, hehehe!

Samantala, naging matagumpay ang pananalakay ni Coronel sa mga juetengan sa Cavite. Umabot sa 17 katao ang nalambat nina Coronel. Hindi kaya sumama ang loob ni Region 4A director BGen. Vicente Danao sa ginawa ni Coronel? Si Danao ang hinuhubog ni President Duterte na ipapalit kay Gamboa, hehehe! Ang hinaribas ni Coronel ay ang sugalan sa Bgy. Luksuin Ilaya sa Alfonso at Crossing Mendez sa Tagaytay City.

Ang mga inaresto sa Crossing­ Mendez sa Tagaytay City ay sina Rolando Gutierrez, 48; Maurri Angeles, 52; Jefferson Espino 27; Willy Lopez, 38; Johna Batino, 60; Josephine Malabanan, 56; Herson Acebuche, 31; Crystalene Macairan, 34; Catherine Javier, 39, at Ramon Bacquian, 40.

Ang mga nahuli naman sa Barangay Luksuin Ilaya ay sina Brando Endriga, 39; Eduardo Tampis, 53; Jovit Escasa, 26; Lester San Jose, 27; Czeder Empleo, 24; Ronel Camunas, 32, at Nicanor Rosano, 48. Ang mga inaresto ay tauhan ni Captain Carling na malapit kay Danao. Ano kaya ang kahihinatnan kung kaalyado ng Presidente ang masagasaan ng “no take policy” ni Gamboa? Abangan!

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with