^

PSN Opinyon

Legal na marijuana? (Part 1)

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LEGAL na marijuana? Kung hihithitin nang malaya kahit saan o kailan, hindi ako sang-ayon. Pero kung ito ay gamot na, para sa maysakit, dapat ay matagal na itong ginawang legal. Bakit nga ba ang tagal?

Sa isang bansa kung saan lugmok sa kahirapan at walang trabaho ang marami, hindi mahirap matantiya na makakasama lang ang malayang bentahan at gamit ng mari­juana o “damo”.

Iba-iba ang epekto nito sa kilos at pag-iisip ng gumamit. Ang iba ay natutunganga, inaantok, o nagtatawa nang walang dahilan. Sana’y ganun na lang.

Ang problema, sa iba, ito ang sanhi ng pagkahayok sa sex, rape, umaalingasaw na galit sa katawan, karahasan o kaya’y kawalan ng takot o tamang pag-iisip na nauuwi sa krimen.

Isipin na lang kung mapunta ka sa bus o jeep, o masa­gasaan ka sa kalye na bangag ang drayber. Huwag na. Dala­wang bansa lang sa mundo ang malaya ang bentahan at gamit ng marijuana.

Samantala, isipin naman kung bakit may 30 bansa sa mundo ang legal na ang bentahan at gamit ng medical marijuana?

Sa America may 33 estado na legal ang paggamit ng medical marijuana bilang gamot. Kaunti pa lang daw ang mga pag-aaral sa bisa ng marijuana sa pagpagaling ng may karamdaman.

Ngunit marami nang ebidensiyang magpapatunay na ito ay mabisa sa sakit na dala ng karamdaman tulad ng arth­ritis, kanser, hapdi ng mga sugat at iba pa.

Nakikita na rin ang bisa nito sa multiple sclerosis, Parkinson’s disease, epilepsy at mga trauma sa isip.

(Itutuloy)

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with