^

PSN Opinyon

Bangis ni Ursula, dama pa rin ng mga Capiznon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG hagupit ng Bagyong Ursula ay damang-dama pa rin ng mga Capiznon hanggang ngayon. Kung inyong mata­tandaan mga suki, nanalasa si Ursula noong Dis. 25, 2019 kaya nagmistulang mga basang sisiw itong aking mga kababayan. Halos lahat ng mga pananim at palaisdaan ay nagkandasira dahil sa malakas na ulan at hangin. Itong bayan ng President Roxas ay lumubog sa putik at baha ma­tapos umapaw ang Arangel River.

Halos hindi makapaniwala ng aking mga kababayan dahil ang President Roxas (Lutodlutod) ay nasa mataas na bahagi ng kalupaan sa lalawigan ng Capiz at tanging Bag­yong Ursula lamang ang nakapagpalubog sa baha. Maraming kabahayan ang inanod sa lakas ng agos, ang mga commercial establishment ay nalubog at nagkanda­sira ang mga paninda. Ang mga palayan, tubuhan ay nalu­bog at nabulok dahil sa pagkakababad sa baha.

Lumpo ang fishpond owners dahil nawala ang kanilang mga inalagaang bangus, alimango at sugpo. Maging ang mga mangingisda ay nagkandasira ang kanilang mga bangka at inanod pa ang kanilang mga lambat kung kaya kuluntoy na idinaos ang Pasko.

Subalit hindi sumusuko ang aking mga kababayan dahil tuloy pa rin ang kanilang pagsusumikap na makabawi sa kanilang nawalang mga kabuhayan dahil kung titigil sila, lalo lamang silang maghihirap sa buhay. Kaakibat na ng kalamidad tumaas ang presyo ng mga binhi ng ba­ngus, alimango at sugpo kung kaya dagdag naman ito sa paghihirap ng fishpond owners.

Sa mga sugar planters naman ay malaking dagok din ang pinapasan ngayon. Kasi mula nang manalasa si Ursula, naapektuhan ang mga makina ng Capiz Sugar Cen­tral Inc. Kaya ang mga tubo na kanilang inaani na ngayon ay nagkakandasira dahil sa paputol-putol na operasyon ng Capiz Sugar Central. Tumaas na rin ang singil ng hauling trucking dahil  sa pagsipa ng presyo ng krudo, mga sira-sirang kalsada at tulay kung kaya dagdag gastos naman sa sugar planters. Isama pa ang epekto ng 4P’s!

Kayo na ang bahalang umunawa sa pagtukoy ko sa 4P’s mga suki. Sa halip kasi na magtrabaho upang madagdagan ang kanilang kinikitang datung mula sa ayuda ng gobyerno ay nagiging tamad na ang ilan sa mga ito kung kaya napakahirap maghanap ngayon ng trabahador sa tubuhan, hehehe! Mabuti pa ang sayawan sa mga pistahan napupuno pa ng tao. Sa ngayon kasing mga buwan halos linggu-linggo ay may pistahan sa mga barangay kung kaya nagiging abala ang barangay offcials, mga kapulisan at maging ang mga mayors sa pagbibigay ng seguridad sa naturang okasyon.

Siyanga pala, noong Valentine’s Day mga suki, ikinasal ni Pontevedra, Capiz mayor Esteban “ Dodoy” Contreras ang may 80 magsing-irog. Libre na ang aras at cake na sinagot mismo ni Mayor Contreras sa ginanap ng mass wedding on Valentine’s Day sa Plaza ng Pontevedra. Ang matindi pa nito lahat pala ng walang kakayahan sa buhay na makapagpatsek-ap sa doktor ay sinasagot na rin ni Mayor Contreras dahil dalubhasang doktor din naman ito bago pumasok sa pulitika, hehehe! Saludo ako sa iyo Mayor Contreras. Malaking tulong ang ipinamamalas mo sa mga taga-Pontevedra dahil kahit papaano’y nalilimutan nila ang sakit at pait nang tamaan sila ng Bagyong Ursula.

vuukle comment

BAGYONG URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with