^

PSN Opinyon

Digong nag-aala-Makoy?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tanong ng kaibigan ko, “si Presidente Duterte ba ay nag-aala-Marcos?” Naalala kasi niya na nung magdeklara ng martial law si Ferdinand Marcos noong 1972, ipinasara­ niya lahat ang mga media entities na kumakalaban sa kanya. Kasama riyan ang mga pahayagan, radyo at telebisyon. Puro crony media entities ang nag-operate sa buong panahong nasa poder si Marcos.

Ngayon, ang bagong mainit na issue kasunod ng CO­VID19 ay ang iniharap na Quo Warranto petition ng Office of the Solicitor General na kumukuwestyon sa malapit nang mapasong prangkisa ng ABS-CBN. 

Bagaman at iginigiit ng palasyo na walang kinalaman si Presidente sa hakbang na ito, alam ng lahat na matindi ang galit ng Pangulo sa top rated network.

Ilang ulit nang hayagang binantaan ng Pangulo ang ABS-CBN dahil umano hindi ibrinodkas ang kanyang cam­paign material kahit ito’y binayaran na nang kung ilang mil­yon. Aniya, hindi na ire-renew ng Kongreso  ang prang­kisa nito.

Pero bakit pinabubulaanan ng Palasyo na may kinalaman ang Presidente sa ginawang paghaharap ng Quo War­ranto ng Solicitor General? 

At bakit kailangan pa ng espesyal na legal action at hindi na lang hintayin ang pagkapaso ng prangkisa at ang hindi pag-aksyon ng House of Representatives?

Sa tingin ng marami, ito ay para siguruhin na hindi na muling makababalik sa operasyon ang giant network­. Kung mangyayari iyan, maraming mamamayan ang ma­lu­l­ungkot dahil ang halos lahat ng programa ng ABS-CBN ay mainit na tinatangkilik ng taumbayan. Nakaka­lungkot lang dahil tila bumabalik ang panahon ng diktadurya.

vuukle comment

DUTERTE

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with