^

PSN Opinyon

Pahayag sa midya ng ARMAS - Bikol

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGPADALA ng kalatas sa ORA MISMO, ang Artista at Manunulat ng Sambayanan-Bikol o ARMAS-Bikol para maglahad ng kanilang sama ng loob sa nangyayaring panggigipit sa ABS-CBN, kaya sa malayang pamamahayag ay bibigyan natin ito ng espasyo sa kolum ng Chief Kuwago.

Mariing kinokondena ng ARMAS-Bikol ang rehimeng US-Duterte sa lumalalang pang-aatake sa hanay ng mga mamamahayag. Pilit na sinasagkaan ni Duterte ang malayang pamamahayag ng mga kagawad ng midyang nagsisiwalat ng kabulukan ng kanyang rehimen.

Binubusalan niya ng kamay na bakal ang progresibo at makabayang hanay sa pagsisikap na pigilan ang pagbulwak ng kilusang-talsik laban sa kanya.

Nitong nakaraang linggo, iligal na inaresto ang Altermidya Network correspondent at Executive Director ng Eastern Vista, isang progresibong media outfit sa Eastern Visayas, na si Frenchiemae Cumpio, kasama ang apat na progresibong lider ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at PNP. Nangangati ang kamay ng mga berdugong hulihin ang lima kapalit ng duguang pabuyang iniaalok ni Duterte sa bawat masasakoteng kritiko ng kanyang gubyerno. Ang masahol pa, isinabay sa kulungan kahit ang isang taong gulang na anak ng isa sa mga hinuli. 

Tumitindi rin ang panggigipit at censorship sa sektor ng midya. Pinagbabantaan ni Duterte na hindi bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, isa sa pinakamalala­king kompanya sa brodkas sa bansa matapos siyang mapikon sa ilang mga palabas ng naturang istasyon. 

Kahapon lamang ay hinain ni Solicitor General Jose Calida ang petisyon ng quo warranto upang hamunin ang ABS-CBN na patunayan ang karapatan nitong magkaroon ng prangkisa. Nakaamba ang pagkapaso ng prangkisa nito ngayong Marso 30. Bago pa ito, pinanghimasukan na ng PNP noong nakaraang taon ang paggawa sa palabas na “Ang Probinsyano” dahil umano sa pagpapakita nito ng kabulukan ng mga pulis. 

Hindi nakapagtatakang ang pananakot na ito sa ABS-CBN ay kasabay naman ng pagbubuo ng bagong media group na Udenna Communications Media and Entertainment Holdings Corp. ni Dennis Uy, isang malapit na kaibigan ni Duterte.

Malinaw na nais kontrolin ni Duterte ang lahat ng tipo ng midya mula sa mainstream hanggang sa midyang bayan bilang bahagi ng kanyang paghahabol na mahawakan nang buung-buo ang pampulitikang kapangyarihan sa bansa. Kasabay nito, tinitiyak niyang mapagbibigyan ang interes ng malalaking burgesya kumprador at negosyanteng kadikit ng kanyang rehimen. Sa gayon, natitiyak niya ang suporta ng mga ito para sa kanyang pangkatin sa panahon ng nalalapit na eleksyon. 

Sa lumalalang atake sa midya at malawak na hanay ng masang lumalaban, dapat lamang magkaisa ang lahat ng mamamahayag na nagtataguyod ng makabayan at patriyotikong paninindigan. 

vuukle comment

ARMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with