^

PSN Opinyon

EDITORYAL -Bakit diring-diri agad sila?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -Bakit diring-diri agad sila?

Dumating na kahapon sa Capas, Tarlac ang 30 Pinoy mula sa Hubei province, China na sinundo ng mga taga-Department of Health (DOH). Sakay sila ng eroplano at dumating sa Clark International Airport kahapon ng tanghali. Limang taga-DOH ang sumundo sa mga Pinoy. Sa unang report, sinabing 45 ang mga Pinoy na uuwi subalit nabago ang bilang ng mga ito. Dinala sila sa New Clark City sa Capas, Tarlac at iku-quarantine sa Athlete’s Village kung saan ginamit ito ng mga atletang kasali sa Southeast Asian Games noong nakaraang Disyembre.

Pero hindi naging madali para sa mga taga-DOH ang pagdadalahan ng mga Pinoy na pina-ngangambahang nahawahan ng novel coronavirus (nCoV) na nananalasa sa kasalukuyan sa Wuhan City. Unang sinabi ng DOH na sa drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija dadalhin ang mga Pinoy mula Hubei pero nagbago ang pasya at sa halip ay sa Athlete’s Village na iku-quarantine.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, mas maganda ang pasilidad sa Athlete’s Village sa Capas kaysa rehab center sa Fort Magsaysay. Mas maaliwalas aniya sa Capas at bagay na pag­lagakan ng mga Pinoy na galing Hubei.

Pero umalma ang vice mayor ng Capas at sinabing tutol sila na sa kanilang bayan i-qua-rantine ang mga Pinoy mula Hubei. Nag-rally ang mga residente at sinabing tutol sila. Paano raw kung sila naman ang mahawahan. Mayoon daw silang mga anak.

Pero hindi nakatutol ang vice mayor at mga residente sapagkat ang national government na ang nag-utos. Wala na silang nagawa.

Saan naman dadalhin ang mga Pinoy? Sino ang tutulong sa kanila. Hindi sana naging makitid ang pang-unawa ng vice mayor. Isa pa, hindi pa naman kumpirmado kung maysakit ang mga Pinoy. Bakit diring-diri na agad sila? Hindi dapat ganoon ang naging turing nila na ang gusto’y huwag palapitin ang mga kapwa Pinoy.

vuukle comment

DOH

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with