^

PSN Opinyon

Ang face masks

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARANG bagong fashion expression ang pagsusuot ng face masks magmula nang lumaganap ang novel Coronavirus o nCoV na kinatatakutan sa buong daigdig. Kahit saan ka magtungo, lahat halos ng taong makikita mo ay nakasuot ng face masks. Kaya tuloy nagsulputan ang mga tiwaling negosyante na agad nagsipagtaasan sa presyo ng produktong ito.

Pero kailangan ba talaga ito para maiwasan ang paglaganap ng bagong mikrobyo. Marahil ay kailangan nga kung magtutungo ka sa mga lugar na kumpirmadong marami ang dinapuan ng karamdaman. Sa loob ng ating bansa, wala pang Pilipino ang naiulat na nahawahan ng sakit na ito dahil puro dayuhang Chinese ang mga inirereport na kumpirmadong may sakit dulot ng nCoV.

Narinig ko mula sa isang tagapagsalita ng World Health Organization (WHO) na ang pagsusuot ng facemasks ay depende sa kondisyon ng karamdaman na sa ngayon ay hindi pa maituturing na “pandemic” o talamak” na. Siguro, kung pupunta ka sa mga ospital na may mga pasyenteng under observation ay kailangan ka ngang magsuot nito.

O kaya naman, kung tutungo ka sa mga lugar na dinarayo ng mga dayuhang posibleng carrier ng virus tulad ng Casino, dapat ka ring magsuot nito. Ngunit sa pangkaraniwang mga lugar gaya ng mga public transportation o kaya’y pamilihan na hindi naman dinarayo ng mga foreigners, hindi na marahil kailangan ang face mask.

Pinaka-importante ay ang pagpapanatiling malusog ng ating immune system sa pamamagitan ng pagkain ng wasto, iwas-puyat at pag-iwas din sa mga mataong lugar na kung saan ay maraming mga dayuhang turista.

Magmula nang sinaklot ng takot ang buong daigdig sa lumaganap na karamdaman na nagsimula sa China, ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na may pinakababang naitalang kaso, at habang isinusulat ko ang kolum na ito, tatatlo pa lang ang kumpirmado ng Department of Health na nagtataglay ng naturang karamdaman.

Siguro, ang dahilan ng mababang kaso ng sakit na ito sa Pilipinas ay ang likas na mainit na panahon. Sinasabi ng mga eksperto na madaling mamatay ang nCoV sa init. Mapapansin natin sa talaan ng mga bansang may mataas na bilang ng mga dinapuan ng nCoV na karamihan ay mga bansang malalamig. Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil iniaadya tayo sa sakit na ito. Idalangin natin na matuldukan nawa ang paglaganap ng mikrobyong ito.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with