^

PSN Opinyon

Tamang pag-ubo at paghuhugas ng kamay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ngayong lumalaganap ang coronavirus, mahalagang malaman ng mamamayan ang tamang pag-ubo at pag­huhugas ng kamay para hindi mahawa. At kahit walang epidemya, nararapat na ugaliin ang wastong pag-ubo at ang paghuhugas ng kamay lalo na kung pagkatapos gumamit ng kubeta.

Madaling magkahawahan ang mga miyembro ng pamilya kapag may sipon o ubo ang isa sa kanila. Maraming sakit ang maipapasa sa iba sa pamamagitan ng pag-ubo. Ilan dito ay tuberculosis, pulmonya, trangkaso, ubo at sipon. Tandaan natin na kapag tayo’y may sakit at inuubo, lumala­bas ang mikrobyo mula sa bibig at ilong natin patungo sa bibig at ilong ng ibang tao.

Narito ang tamang paraan ng pag-ubo:

l Gumamit ng tissue o panyo kapag uubo o babahing. Pagkagamit ng tissue ay itapon ito sa basurahan.

l Huwag umubo sa harap ng ibang tao. Lumayo ng 4 feet sa taong inuubo.

l Huwag umubo sa iyong kamay dahil mas madali mong maililipat ang mikrobyo sa ibang tao. Kapag nagkamali ka at nakaubo sa iyong kamay ay maghugas na lang ng kamay pagkatapos. Puwede rin gumamit ng alcohol kung walang tubig at sabon.

l Ang tamang direksyon ng pag-ubo ay pababa patungo sa sahig. Huwag umubo ng pataas dahil maikakalat mo lang ang iyong mikrobyo sa buong kuwarto.

l Huwag dumura ng plema kung saan-saan lamang. Dumura sa lababo o kubeta at hugasan ito ng tubig.

l Kung kayo ay may sakit at inuubo, huwag munang pumasok sa trabaho o paaralan para hindi makahawa ng iba. Ngunit kung kinakailangan mong pumasok sa trabaho ay magsuot ka ng face mask.

Ugaliin ang paghuhugas ng kamay matapos umihi o dumumi

Ayon sa Department of Health (DOH), 20 percent lang ng mga bata ang naghuhugas ng kamay pagkagamit ng comfort room, at 44 percent lang ng mga matatanda.

Ito’y dahil marami ang nag-aakala na malinis ang kanilang kamay, pero hindi nila namamalayan na may milyun-milyong bacteria na ang kamay nila. Kapag hindi tayo naghugas ng kamay pagkatapos dumumi ay puwedeng mailipat ang mikrobiyo sa gripo, sa pinto at flush handle.  At kapag may susunod na hahawak sa mga gamit na ito ay puwede na silang mahawa.

Anong mga sakit ang posibleng maidulot nito? Ito ay ang pagtatae, hepatitis A, salmonella, typhoid fever, cholera, amebiasis, bulate, sore eyes, at impeksyon sa balat. May mga taong nagdadala ng sakit tulad ng typhoid at bulate sa tiyan na wala namang nararamdaman. Maipapasa nila itong sakit sa iba sa pamamagitan ng kanilang dumi.

Sa Pilipinas, hindi nakapagtataka na may 500,000 kaso ng pagtatae ang nakikita ng doktor bawat taon. At tinatayang may 10,000 bata ang namamatay sa pagtatae bawat taon. Kaya sikapin nating maghugas madalas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Kung nababahala kayo na baka matuyo at kumulubot ang inyong balat, gumamit ng “moisturizing soap.” Huwag gumamit ng sabon panlaba dahil matapang ito para sa kamay natin. Isa pang paraan para hindi mag-dry ang balat ay ang paglagay ng lotion pagkatapos maghugas ng kamay.

Nakalulungkot isipin na maraming tao ang hindi naghuhugas ng kamay pagkagamit ng kubeta. Sana mabago na natin ang masamang habit na ito. Hindi lang ito para sa ating kalusugan, kundi para na rin sa kapakanan ng ibang tao.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with