^

PSN Opinyon

Awa ng Diyos

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTALA na rin ang Hong Kong ng isa pang fatality sa epidemiya ng coronavirus na kumakalat sa mundo. Kasunod ito ng mga kumpirmadong patay sa epicenter ng sakit, ang Mainland China, at sa Pilipinas na unang bansa sa labas ng China kung saan may namatay na pasyente.

 Napakalaki ng impact ng coronavirus sa kaligtasan, kalusugan, ekonomiya, turismo ng buong kamunduhan. Apektado maging ang pang araw-araw nating gawain at ang karaniwan nating pakikitungo sa kapwa. Halimbawa na lang ang mobilidad ng bawat isa – basta’t may panganib na nalagay ka sa lugar na maaring na-expose ka sa virus, obligado maibukod ka sa mga tao. Ang mga traveler sa iba’t ibang bansa kung saan kumpirmadong umabot ang coronavirus, hinihikayat na mag-self quarantine ng dalawang linggo para maniguro. Tulong ito para sa ikabubuti ng lahat. Subalit dahil sa bigat ng perwisyo nito sa bawat isa, malayong mangyari na kusang ilalagay ang sarili sa self quarantine ng ganoon katagal.

 Marami sa atin ang inilalabas ang sama ng loob at galit sa mga taga China na silang pinanggalingan ng salot. Sa tindi ng poot ay mistulang mas mabilis pa kumalat ang masamang sentimyento kaysa mismong virus na pinag-ugatan nito.

Bagama’t naunawaan natin ang pinaghuhugutan, sana naman ay makontrol din natin ang sarili. Wala naman itong naitutulong upang awatin ang pagkalat ng sakit. Sa ganitong mga pagkakataon, alalahanin natin na higit na pakikinabangan ng kapwa at ng bansa ang malasakit.

 Kapag tayo ay magkakaisa at manindigan laban sa lahat ng epekto nitong coronavirus, walang kaduda-dudang kakayanin nating lagpasan ang hamon. Gamitin natin itong oportunidad upang lalong maging matatag sa pagharap sa mga darating pang pagsubok.

Umpisa pa lang ng taon ay mayroon na tayong ilang trahedyang kinaharap. Kung tutuusin ay masuwerte pa nga tayo at hindi sobrang bigat ang kaso nitong mga tumama sa atin na kalamidad. Ipagdasal natin na sana’y hindi na lalong lumala pa ang krus na ating bubuhatin.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with