^

PSN Opinyon

Virus ‘di namamatay kundi lumalakas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG sabi ni President Duterte, huwag masyadong mag­panik sa lumalaganap na novel Coronavirus (nCoV) dahil kusa itong maglalaho o mamamatay sa takdang panahon.

“It will die a natural death,” aniya katulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS na lumaganap sa unang bahagi ng siglong ito.

Sang-ayon ako na hindi tayo dapat magpanik upang makapagdesisyon ng tumpak sa panahon ng kalamidad o paglaganap ng mga nakakikilabot na karamdaman. 

Ngunit sa palagay ko, hindi puwedeng sabihing kusa itong mamamatay. Kasi ang ganyang pananaw ay magbibigay sa tao ng “bahala na” attitude. Totoong hindi tayo dapat mabahala ngunit ang ano mang mapanganib na situwasyon ay hindi dapat ipagwalang-bahala.

Ang mga mikrobyo ay hindi namamatay kundi nagba­bagong anyo lamang. Maaaring sumandaling mawawala ang mga ito pero muling susulpot nang mas malakas kaysa dati. Mutation ang tawag dito. Kapag nakatuklas ang siyensya ng mabisang gamot, ang mga mikrobyo ay magsisimula ring magbagong anyo upang maging mas malakas at hindi kayang labanan ng gamot. Kaya kaila­ngan muling tumuklas ng bagong panlaban ang mga siyen­­tista ng medisina.

Tama naman ang sinabi ng Pangulo. Sa kabila ng luma­laking bilang ng mga pasyenteng may nCov sa buong daigdig, “everything is well in the country.” Ibig lang sabihin, sinusubaybayan ng pamahalaan ang situwasyon at ito ay gumagawa ng karampatang aksyon upang mapigil ang ma­bilis na pagkalat ng sakit. 

Sabi niya, hindi tayo dapat maging “hysterical” at ito ay tama rin naman. Madalas kasi, unang ikinamamatay ng tao ang hysteria at hindi ang bagay na kinatatakutan.

Pandaigdig na ang problemang ito at may mangilan-ngilan nang namamatay sa karam­daman. Sa halip na matuliro ang isip, sumunod tayo sa mga safety measures para  maiwasan ang sakit na ito. Unang-una diyan ang personal hygiene at pag-iwas magtungo sa mga mataong lugar. Proper nutrition ay kailangan din para lumakas ang ating sistema ng panlaban sa mga sakit.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with