^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madaliin, diskuwento sa mga gamot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Madaliin, diskuwento sa mga gamot

MARAMING maysakit na mga Pilipino na hindi makabili ng gamot dahil sa sobrang kamahalan ng mga ito. Maraming Pinoy ang may diabetes, hypertension, kidney disease at iba pa. Ang iba dahil sa mahal ng mga gamot, sumasangguni na lang sa albularyo na lalo lang nagpalala sa kanilang kondisyon. Kulang sila sa budget at hindi maabot ang presyo ng mga gamot. Ang presyo ng gamot para sa diabetes halimbawa ay nasa P30.

Noong nakaraang taon sinabi ng Department of Health (DOH) na maaaring bumaba ng 50 percent ang mga gamot alinsunod sa maximum drug retail (MDRP) scheme na nakapaloob sa Republic Act 9502 o ang Universal Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008. Sabi pa ng DOH, nasa 120 ang mga gamot na kanilang irerekomenda para mabawasan ng presyo.

Ayon sa DOH, ang generic drugs ay binibenta umano ng apat na beses na mas mataas at ang branded ay ibinebenta ng 22 beses na mas mataas lalo na sa mga pribadong ospital. Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.

Sinabi ng DOH, ang mga gamot na nasa kanilang listahan na ibababa ang presyo ay ang para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, baga, atay, cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis at marami pang iba. Pagsisikapan umano ng DOH na i-impose ang MDRP para mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino.

Narararapat na ipursigi ng DOH ang pagpapababa ng gamot para lubos na matulungan ang mamamayan, lalo ang mga may sakit na matatanda na hindi na makatikim ng gamot o kaya makapagpaospital dahil sa kakapusan ng pera.

Panahon na para matulungan ang mamamayan na mabawasan ang pasanin sa pagbili ng gamot na ubod ng mahal. Isakatuparan na ang diskuwento sa mga pangunahing gamot.

vuukle comment

GAMOT

MAXIMUM DRUG RETAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with