^

PSN Opinyon

Magtiwala sa Phivolcs

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Medyo kalmado na ang Taal Volcano at marami ang bumabatikos kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil hindi pa nagbababa ng alert level at maraming residente ang nananatili sa evacuations centers at hindi pa maka­balik sa kani-kanilang bahay na nasa danger zones. Ayon sa Phivolcs, nagbubuga pa rin na usok at sulphur dioxide ang bulkan kaya kahit sa paningin ng tao ay kumakalma na ito, hindi pa panahong alisin ang alert level.

Ang katuwiran ng Phivolcs, ang pagpapatuloy ng mga earthquake episodes sa paligid ng Taal ay indikasyon na may namumuong kumukulong magma sa loob ng bulkan­. Ibig sabihin, mayroon pang tsansa na magkaroon ng pag­sabog na magsasapanganib sa mga residente.

May mga kolumnista na kinukuwestyon ang Phivolcs at maging ang mga netizens ay kasama rin sa pagtuligsa sa ahensya. Para sa akin, kaya mayroong Phivolcs ay upang magkaroon ng isang mapagkakatiwalaang awtori­dad na pagbabatayan sa mga aksyon gagawin sa panahon ng kalamidad. Kung hindi natin paniniwalaan ang mga desis­­yon nito, eh buwagin na lang ang ahensyang iyan. Naka­ka­lungkot pero mayroong mga taong hindi naman aral sa volcanology ay mas marunong pa sa Phivolcs.

Sabagay, marami ang naiinip sa pagbabalik ng normal­ na sitwasyon sa Batangas, lalo na sa Tagaytay City na pabo­­ritong patunguhan ng mga turista. Kapag nagtutungo sa Tagaytay ang marami, dalawang pagkain lang ang pinipita, bukod sa preskong hangin at magandang tanawin: Ang bulalo at tawilis na pawang mga especialty na isini­silbi sa mga roadside restaurants na dinarayo ng mga lokal at da­yu­­hang turista. Ngunit dahil sa pagsabog ng Taal Volcano na nasa paanan ng Tagaytay, malamang ay apektado ang produksyon ng mga ito.

Kaya nga magaan ang buhay ng mga residente rito dahil mayroon silang pinagkakakitahan na sa pagsabog ng bulkan ay naglahong parang bula. Nga­yong tahimik na ang kalagayan ng bulkan, may mga establisimiyento na sa Tagaytay at ibang bayan sa Batangas ang sibasabing nagbukas na ng kanilang negosyo. Business as usual, wika nga.

Pero ano ba ang mas importante, ibalik ang business as usual situation o ang buhay ng maraming mama­mayang puwedeng mapahamak kung tama ang prediksyon ng Phivolcs?

vuukle comment

ALERT LEVEL 3

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with