^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sumunod sa ipinag-uutos

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sumunod sa ipinag-uutos

Kahapon, nagpakita ng pagiging aktibo ang Bulkang Taal.

May nakitang manipis na usok na nagmumula sa bunganga nito. Ito ang unang­ pagkakataon na muling nakita ang usok mula nang pumutok noong Enero 12. Una nang sinabi ng Phivolcs na ang mga nararamdamang pagyanig sa paligid ng Taal ay senyales na may umaakyat na magma at posibleng magkaroon muli ng mga pagsabog.

Dahil dito, lalong nagpatupad ng paghihigpit ang Philippine National Police (PNP) sa mga residenteng nagnanais bumalik sa kanilang mga taha­nan­. Walang pinapayagan at sinisigurong wala nang tao sa lugar na sakop ng 14-kilometer danger zone sa paligid ng bulkan. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 12 bayan at 2 siyudad ang kabilang sa danger zone.

Sabi ng PNP, mapipilitan silang bitbitin ang mga residente na ayaw umalis. Magpapatupad sila ng total lockdown sa mga lugar na tinukoy ng NDRRMC. Wala umano silang magagawa kundi ipa­tupad ang kautusan upang maiwasan ang panga­nib ng bulkan. Mula nang pumutok ang Taal, mahigit 235,000 katao na ang inilikas mula sa lugar. Nasa iba’t ibang evacuation centers sila sa Batangas at Laguna. Bumabaha ang tulong na pagkain at inumin para sa kanila.

Sa kabila na mahigpit ang utos na umalis sa lugar, marami pa rin ang ayaw lisananin ang kani­lang tirahan. Marami rin namang bumabalik sapagkat para sa kanila, hindi na raw puputok ang bulkan. Tahimik na raw ito kaya dapat na silang bumalik sa kanilang mga bahay para mabantayan. Marami na raw bahay ang nanakawan.

May pinuno naman na tila ginagatungan ang mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay dahil tahimik na ang bulkan. Mas kilala raw ng mga tagaroon ang bulkan kaysa sa sinasabi ng Phivolcs­. Matagal na raw sila sa Taal kaya mas kabisado nila ang aktibidad nito.

Inilalagay ng pinuno sa peligro ang buhay ng mga tao. Huwag gatungan ang mga tao sapagkat maaaring dumagsa ang mga residente pabalik sa kani-kanilang mga bahay. Paano kung sa pagbalik ay sumabog ang bulkan at marami ang mamatay. Walang ibang sisisihin kundi ang gobyerno. Huwag pairalin ang katigasan ng ulo. Sumunod sa utos.

vuukle comment

PHIVOLCS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with