^

PSN Opinyon

Gamboa, gumawa ng history sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Gumawa ng history ang pagkahirang ni President Digong kay Lt. Gen. Archie Gamboa bilang permanen­teng hepe ng Philippine National Police (PNP). Si Gamboa ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘86 at pangatlo siya sa klase na naging hepe ng PNP. Matatandaan na matapos maupo sa trono si Digong, ang unang hinirang niyang PNP chief ay si Bato dela Rosa na senador na ngayon. Pinalitan si Bato ni Gen. Oscar Albayalde at itong huli nga ay si Gamboa naman ang pinili. Sa totoo lang ngayon lang nangyari na tatlong miyembro ng klase ay naging hepe ng PNP. Ewan ko lang kung sa kabilang bakod sa Camp Aguinaldo ay nangyari ‘yan. Sa pagkaalam ko, may dalawang miyembro ng klase na naging PNP chief at ang pinakahuli ay sina Sen. Ping Lacson at Edgardo Aglipay na miyembro ng PMA Class ‘71, na produkto ng martial law.

Kung sabagay si Gamboa ay naging OIC na ng PNP matapos lisanin ni Albayalde ang kanyang puwesto noong Nobyembre. Ang kumalat na balita sa Camp Crame ay walang ng pag-asa si Gamboa sa trono ng PNP dahil dapat sa unang salpukan pa lamang ay hinirang na siyang PNP chief. Kung ano man ang nakita ni Digong sa validation niya kay Gamboa ay siya lang ang nakaaalam.

Sa totoo lang, ang Class ‘86 ay masasabi kong “never heard” bago maupo si Digong. Si Bato nga ay nais na mag-resign dahil kung saan-saang puwesto na noon siya itinatapon. Si Albayalde naman ay na-relieve dahil sa “ninja cops” noong provincial director pa siya ng Pampanga. Si Gamboa naman ay ang sa tingin sa Camp Crame ang pinatatamaan ni Digong nang ibando niyang may isang heneral na milyon ang halaga ng pintuan pa lamang ng bahay. Subalit nakaukit talaga sa palad nilang tatlong Class ‘86 na maging PNP chief kaya walang makapipigil niyan. Congratulations sa iyong promotion Gen. Gamboa Sir! Abangan!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with