^

PSN Opinyon

Ika-4 na pangunahing pumapatay sa Pilipino

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BANGGAAN sa kalye ang ika-apat na pangunahing pumapatay sa mga Pilipino, anang Dept. of Health noong 2017. Isang Pinoy ang nasasawi sa road crash bawat 17 oras, o 43 bawat buwan at 509 bawat taon.

Kung aksidente sa motorsiklo lang ang bibilangin, ika-siyam na agad ito na leading cause of deaths, anang Land Transportation Office. May 7.5 milyong rehistradong motorsiklo at 3.2 milyong ibang sasakyang pangkalye.

Nu’ng sumunod na taon sa Kamaynilaan lang, anang Metro Manila Development Authority, 49 ang nasasaktan at isa ang namamatay kada araw sa 270 na banggaan.

Ayon sa isa pang ulat nu’ng 2018, aksidente sa daan ang No. 1 na pumapatay sa kabataang edad-5 hanggang 29.

Inaadhika ng isang grupo na turuan ang publiko sa kaligtasan sa daan. Layon din nila ang implementasyon ng mga batas at alituntunin sa sasakyang panglupa.

Road worthiness o kasapatan ng sasakyan na itakbo ang buod ng Land Transportation Code (R.A. 4136). Sa kasa­lu­­­kuyan, exhaust emission lang ang tine-testing bago ire­histro ang sasakyan. Pero 74 components at parte ng sa­sakyan ang obligadong suriin, ani road expert Benson So.

Ilan sa mga ito ang: brake o preno, brake/taillight, head­light, hazard light, windshield wiper, speedometer, suspen­sion -- pati sound level o ingay ng makina at tambutso ng kotse, jeep, truck, o motorsiklo.

Hindi nate-testing ang mga ‘yon dahil walang mga pasi­lidad, ani So. Pero sinusuri na ng DOTr/LTO ang mga sis­tema na pang-check -- fully automated at hindi maa­aring paki­­­­ala­man ng tao. “Dapat higpitan ang nakamamatay -- kapabayaan sa preno, ilaw, speedometer, gulong na kalbo o misaligned -- para maiwasan ang speeding,” aniya. Suporta si Angelo Palmones ng Agham NGO sa todong vehicle checks.

Dapat todo higpit din sa drivers, lalo sa professionals.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with