Restriction code ng lisensiya pinagkakakitaan ng MMDA traffic enforcers
TAPOS na ang mahabang bakasyon ng Pasko’t Bagong Taon kaya balik na naman ang traffic sa lahat ng sulok ng Metro Manila. Nagbalikan na kasi ang mga nagsibakasyon sa mga lalawigan kaya nagmistulang mahabang parking lot ang EDSA na mula Pasay hanggang Caloocan.
Wala namang pagkukulang ang mga tauhan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Danny Lim dahil nakakalat naman sila sa kalye sa kabila ng nakakapasong init ng sikat ng araw. Trabaho kasi nila ang magmando ng trapiko upang kahit papaano’y mapabilis ang daloy, subalit dahil nga sa dami na ng mga sasakyan ngayon, wala na silang magawa kundi ang gampanan ang kanilang tungkulin.
Ang masaklap lang nito, mukhang nagkakawalaan sa kalye ang local traffic enforcers. Iyan ang aking napansin sa paglilibot mga suki.
Malaking bagay kasi ang local traffic enforcers kung nasa kalye sila na nagmamando ng trapiko dahil kahit papaano’y makakatulong sila sa kakulangan ng mga tauhan ng MMDA. Sa panahon ngayon na regular na ang pasok sa mga paaralan at mga opisina, natural na dagsa ang mga sasakyang lumalagare sa kalye kung kaya kailangan na may mangasiwa nito upang mapausad nang maayos ang daloy.
Sa ngayon ay nakatuon pa sa pagmamando ng trapiko ang lahat ng mga traffic enforcers ng MMDA subalit sa mga darating na araw tiyak na gagamitin na naman ang ilan sa kanila sa pagsagupa sa mga illegal vendors at illegal terminal ng mga tusong negosyante sa lahat ng sulok ng Metro Manila.
Ngunit sa kabila ng kasipagan ng mga tauhan ni Danny Lim at Edison “Bong” Nebreja, alam ba ninyo na marami rin ang nagrereklamo sa mga kabastusan ng iilang enforcers? Katulad na lamang sa reklamong ipinarating sa akin na dapat na pag-ukulan ng pansin ni Lim at Nebreja. Ayon sa mensahe: “BEWARE!!! MMDA Traffic Enforcers have a new source of income.
They flag down automatic transmission (A/T) vehicles. They then ask to see your driver’s license to check whether your “restriction” includes either 2 (manual) or 4 (automatic). This can be seen on the front and back of the license. Since the restriction typically follows the type of transmission of the vehicle you drove when you had gotten your original driver’s license, it would likely simply be 2 (manual) and not 4 (automatic). Renewed licenses merely transfer old data into new cards. The MMDA enforcer will then claim that you’ve violated the restriction. Then the conversation starts to get interesting.
The extortion starts. At the end of the conversation, the MMDA enforcer will then be asking you for P500 to settle the matter. So check your driver’s license now to see if you might be vulnerable to this novel MMDA money-making enterprises. “Take note that Restriction Code 2 at the back of Driver’s License means you can drive both MANUAL & AUTOMATIC vehicles with gross vehicle weight up to 4,500 kg. Restriction Code 4 is the one limited to automatic clutch only. But some traffic enforcers will use this to extort money. I will confere this to the proper authority to stop this issue once and for all. If apprehended, let the apprehending officer issue a ticket concerning that specific violation and he will be in hot water. I am sure he won’t issue a ticket. Go Chi Rook. Paki katok lang ang LTO, MMDA to clear up this issue at sana iannounce para hindi magamit pang kotong”.
Hayan mga suki, walang putol ‘yang ipinadala n’yo sa akin upang madaling mapaimbestigahan nina Lim at Nebreja.
- Latest