^

PSN Opinyon

Bagong ruta ng Traslacion ng Poong Nazareno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA kauna-unahang pagkakataon maiiba ang rutang dara­anan ng Traslacion ng Poong Nazareno. Mapapalaban nang husto rito ang kapulisan dahil ayon sa impormasyong ipinarating sa akin, mga pulis na ang magtutulak ng andas­ kaya tiyak na marami ang magagalit na mga hijos at mga deboto. Naging tradisyon na kasi sa mga namamanata ang paghatak ng lubid ng andas at ang paglangoy sa mga balika’t ulo para makahalik at makapunas ng panyong puti sa Poong Nazareno.

Maiiba na ngayon ang takbo ng Traslacion dahil pangu­­ngunahan at palilibutan ito ng kapulisan. Malaking hamon ito sa kakayahan nina National Capital Region Police Office chief BGen. Debold Sinas at Manila Police District director BGen. Bernabe Balba. Malaking pagsubok ito para sa kanila dahil kailangan na zero casualty at kailangan­ na mapabilis ang Traslacion na makapasok sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo mula Quirino Grand­stand. Kung noong mga nakaraang Traslacion ay umabot ito mula 18 hanggang 22 oras bago makapasok sa sim­bahan ng Quiapo, ngunit ngayon sa bagong ruta ay umikli ng may 300 metro kung kaya mapapabilis na ang Traslacion.

Sa puntong ito, mabilis na kumilos si Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis sa mga kalyeng daraanan ng Tras­lacion upang masiguro na magiging maluwag para sa milyun-milyong namamanata sa Poong Nazareno. Ipi­nagbabawal ang pagtitinda ng kung anu-ano at pag-parking ng mga sasakyan. Ang mga susuway ay sasakit ang ulo at siguradong luluwa ang bulsa sa katutubos at kahaharap ng asuntong ipapapataw sa kanila ni Mayor Isko. Sa araw ng Traslacion, muling papatayin ang komunikasyon o magla­lagay ng “jammer’’ upang masigurong maiiwasan ang banta ng mga terorista. Ang masakit nito dahil sa pag-iba ng ruta, masasarado nang tuluyan ang mga pamosong kalye tulad ng Roxas Boulevard at Taft Avenue habang umuusad ang traslacion.

Narito ang bagong rutang daraanan ng traslacion: Mula Quirino Grandstand Independence Road, Katigbak Parkway (counterflow) P. Burgos patungo sa Finance Rd (National Museum) Ayala Blvd (counter flow) Ayala Bridge (counter flow) pakaliwa ng Carlos Palanca, kanan sa Quezon Blrd, kanan ulit ng Arlegui, tuloy sa Fraternal, Vergara, Duque de Alba, Castillejos, Farhencio, Arlegui, Casal, Aguila, Carcer, Hidalgo, San Sebastian Church, Bilibid Viejo, Mendoza, Gonzalo Puyat, Guzman, Hidalgo labas ng Quezon Blvd (counter Flow) kanan ng Carlos Palanca at kanan ulit ng Villalobos hanggang makapasok na ito sa Quiapo Church.

Pakiusap ni MPD director Balba sa mga namamanata na maging alisto at disiplinahin ang sarili upang maiwasan ang kapahamakan dahil ang pulis ay handa silang protektahan sa lahat ng pagkakataon. Kaya mga suki, huwag na kayong magdala nang maraming salapi, alahas at gadgets dahil siguradong pupuntiryahin ito ng mga kawatan at mandurukot.

vuukle comment

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with