^

PSN Opinyon

Reklamo ng single mom na hinuhuthutan ng ka-live in

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HANGGA’T maaari, ayokong nilalapitan kung problemang personal o sabihin na nating love life o relasyon ang pag-uusapan.

I am too brutally frank and straight forward, this is my style. Kaya madalas akong mamis-interpret ng aking ka­usap at mga nakakapanood o nakikinig.

Hindi ko gustong makasakit ng kalooban sa aking mga sasabihin at ipapayo. But then, I’d rather call a spade a spade para matuto at mamulat sa katotohanan ang mga lumalapit sa BITAG.

Isang single mom mula Laguna ang lumapit at humihingi ng tulong. Inirereklamo niya ang kanyang dating live-in partner na nakasama niya sa loob ng 8 buwan lamang.

Bukod daw sa malakas itong manghuthot ng pera, itinakbo nito ang lahat ng kita ng kanyang in-invest na 2 baka, 1 traysikel at lending business para sa dating ka-partner.

Ngayong nagkahiwalay na sila, sinisingil na niya ang lahat ng kanyang ginastos sa dating karelasyon.

Pati na ang mga kita ng kanilang mga pautang na hindi na ini-remit nito.

Ang problema, tinatakot siya nitong ilalabas ang kanilang sex video kapag patuloy na naningil ang ginang.

Gusto niyang tawagan ko ang lalaki’t singilin ang mga perang ginastos niya’t patigilin ito sa pananakot.

Ang mas malaking problema, ang pera kasing ginamit niya pangtustos sa dating ka-live-in ay sustento ng tatay ng kanyang mga anak.

Hindi rin makapagpakita ng anumang ebidensiya ang ginang na bina-black mail siya nito.

Sa totoo lang ako, sa mga ganitong klaseng sumbong ay hindi umaaksiyon ang BITAG. Isang paglilinaw lang ang aking magagawa para magising ang ginang sa katotohanan.

Isang hubo’t hubad na katotohanan na kailangan niyang mamulat na ginantso siya. Masakit man sa kanya, tahasan kong sinabing wala siyang karapatang galawin ang perang sustento para sa kanyang mga anak.

Ang punto ko sa ginang, siya mismo ang dapat gumawa ng hakbang sa kanyang magiging desisyon.

Ang kanyang mga susunod na aksiyon, depende kung magbase siya sa aking payo na sinsero’t mula sa aking puso.

Marami pa akong nasabi na masakit pero sinsero. Sigurado akong sa mga oras na ito’y pinuputakti na rin ng mga negatibong komento ang video na uploaded na sa aming YouTube Channel.

vuukle comment

LIVE-IN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with