^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Punumpuno ng pag-asa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Punumpuno ng pag-asa

TUWING magpapalit ang taon, may ginagawang survey­ ang Social Weather Stations (SWS) kung paano sasalubungin ang papasok na taon. Mataas lagi ang survey ng SWS. Mataas ang expectations ng mamamayan na magiging maganda ang kanilang kapa­laran. Noong 2018, pumalo sa 92 percent ang nagsa­bing magiging maganda ang kanilang Bagong Taon. Pinakamataas ito mula nang gawin noong 2000. Pero ngayong 2020, mas lalo pa palang mataas ang ini-expect ng mamamayan --- 96 percent!

Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon nang hindi matatawarang pag-asa kahit pa dinaanan ng kung anu-anong mga problema at kalamidad. Kung ang ibang lahi ay nagmumukmok dahil sa tinamong mga kabiguan sa buhay, hindi ang Pinoy. Nakakangiti pa rin sila at punumpuno ng pag-asa. Hindi sila kababakasan ng kalungkutan o kawalan ng sigla dahil sa dumaang unos sa kanilang buhay.

Katulad halimbawa ng mga naging biktima ng dalawang magkasunod na bagyo na tumama sa Visayas at Southern Tagalog region na maraming namatay, nagiba lahat ang mga bahay at nawasak ang mga pa­nanim, nananatili pa rin ang mataas na pag-asang maka­ka­ba­ngon sa trahedya.

Sa mga taga-Guian, Eastern Samar na hinagupit noon ng Bagyong Yolanda, muli na naman silang hina­gupit ng Bagyong Ursula. Marami ang nawasak na bahay. Karamihan sa mga lumikas ay wala nang binalikang bahay makaraan ang delubyong nilikha ni Ursula.

Ganito rin ang nangyari sa mga taga-Bulalacao, Oriental Mindoro makaraang hagupitin ni Ursula. Hindi pa sila nakababawi sa pinsalang idinulot ng Bagyong Tisoy ay hinagupit muli at mas matindi pa. Karamihan sa mga bahay doon ay tinangay ng baha sa dagat. Matindi rin ang pinsala sa San Jose, Occidental, Mindoro. Umabot sa 41 ang namatay dahil sa Bagyong Ursula.

Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga nabiktima ng lindol sa Mindanao ang hindi pa nakakabawi. Sa loob ng isang buwan, dalawang beses nilindol ang mga probinsiya sa Mindanao, kabilang ang Davao, GenSan, Sarangani at iba pa na ikinawasak nang maraming bahay.

Bukod sa kalamidad, marami rin ang mga naulila sa mga naganap na aksidente sa kalsada gaya nang nang­yari sa Cardona, Rizal na siyam ang namatay nang mawalan ng preno ang isang trak at bumangga sa isang pampasaherong dyipni. Marami rin ang namatay sa aksidente sa Mendez, Cavite at Sumilao, Bukidnon.

Maraming kalamidad, trahedya, aksidente, pagsabog, kahirapan at iba pa ang naranasan ng mga Pinoy sa 2019. Subalit sa kabila nito, punumpuno pa rin sila ng pag-asa ngayong 2020. Ganyan ang mga Pinoy.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with