^

PSN Opinyon

Mga magpapaputok ng baril, humanda kayo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HAPPY New Year mga suki!

Matindi ang kautusan ni Philippine National Police Officer-in-Charge LtCol. Archie Gamboa sa kapulisan na “zero stray bullets’’ sa selebrasyon ng New Year’s Eve. Ayon sa impormasyong ibinulong sa akin, kapag nagkaroon ng insidente ng stray bullet, kailangan na maresolba agad ito sa loob ng 24 oras at kung hindi, tiyak na masisibak ang station commander na nakakasakop. Ang matindi pa nito, mukhang idadamay ni Gamboa ang Provincial Police Office at Regional Director. Kaya sa ngayon pa lang, puspusan na ang pagpapakalat ng mga intelligence group sa Metro Manila at sa mga lalawigan upang matunton ang iresponsableng gun holders.

Lumang tugtugin na ang pakulong ito ni Gamboa dahil halos lahat naman ng naging PNP chief ay ganyan ang programa tuwing sasapit ang Bagong Taon. Di ba mga suki? Kaya mula noong Pasko, ang kapulisan ay hindi na pinayagang magbakasyon ni Gamboa upang matutukan ang mga iresponsableng nagpapaputok ng baril na isinasabay sa pagpapaputok ng firecrackers. Naging maganda naman ang resulta nitong Pasko mga suki dahil iilan lamang na mga makukulit ang naputukan ng piccolo at boga na sa pagtala ng Department of Health nasa 46 lamang ang biktima na ang karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila. Kaya dapat lamang na ipagbawal na ang paputok sa buong bansa nang maging tahimik at maiiwasan pa ang pagdumi ng hangin na ating nilalanghap.

Hindi naman matatawaran ang kapasidad ni Gamboa dahil abogado siya at alam  niya ang batas na dapat ipataw sa mga nagpapabayang police officials. Kaya kapag natapos ang selebrasyon ng Bagong Taon saka siya huhusgahan kung naging matagumpay ang programa niya. Dapat lamang na bigyan siya ng pabuya ni Pres. Rodrigo Duterte at gawng ganap na PNP chief, hehehe!

Samantala, tahimik at maingat na ngayon sa pag-operate ang PNP sa mga pinaghihinalaang drug pushers at users. Kapansin-pansin na bihira na ang namamatay kontra droga. Subalit hindi ito nangangahulugan na malamya na ang PNP sa pakikipaggiyera kontra illegal drugs. Mula nang umupo si President Duterte, 5, 552 pushers at users ang napatay sa operasyon. Umabot naman sa mahigit 50 pulis ang napatay. Malinaw na buwis buhay din ang kapulisan sa paghabol sa drug suspects. Tinutuligsa naman ito ng human rights advocate group. Kaya hinay-hinay ngayon ang  kapulisan sa kanilang drug operations upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Patuloy din naman ang ilan sa paggamit ng droga. Mula 2016, nasa 8,185 katao ang inaresto ng PNP na kinabibilangan ng 297 elected officials, 347 government employees at 82 myembro ng PNP at AFP. Malinaw na ang droga ay pinagkakakitaan ng elected officials. Bukod sa pandarambong sa pondo ng bayan, lumilinya pa sila sa droga upang magkamal ng pera. Ang mga miyembro ng PNP at AFP ay nagsisilbing protector at nagre-recycle ng droga na kanilang nahuhuli. Mangilan-ngilan lang naman sila ngayon subalit kung hindi sila matuldukan tiyak na babaha na naman ang droga sa kalye. Siyempre hindi nahuhuli sa bilang ang foreigners at celebrities sa pagtutulak ng droga.

Kamakailan, sunod-sunod na naman ang pagkakahuli sa mga Chinese national na nakuhaan ng 300 kilos ng shabu ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga inuupahang apartment at condominium. Masuwerte dahil hindi sila napatay ng mga sumasalakay ng PDEA. Siguradong matagal pa ang kanilang buhay dahil kaya nilang magbayad ng mga de kalebreng abogado na magdedepensa sa kanila sa korte. Iyan ang kaibahan ng mahirap ay mayaman na sangkot sa droga.

Welcome 2020!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with