^

PSN Opinyon

Sa pagpatay kay Rizal lalo siyang tumanyag

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNG inakala ng mga Kastila na masusupil nila ang Himagsikan sa pagpatay kay Jose Rizal, nagkamali sila. Bago siya iharap sa firing squad sa Bagumbayan nu’ng Dis. 30, 1896, mahinahong inakda ni Rizal ang “Huling Paalam”. Ipinuslit ang tula sa loob ng lampara na inuwi ng dumalaw na kapatid niyang babae, at ibinigay ito ng kuyang Paciano kay Andres Bonifacio. Nainspira ang mga Katipunero sa tatag ng loob ng 35-anyos na patnugot ng pahayagang La Solidaridad at pinuno ng samahang La Liga Filipina. Lalong nag-alab sa puso nila ang minimithing Kalayaan. Nagbilin din si Rizal sa mga kabayan na, bukod sa kalayaan, mahalaga ang edukasyon ng madla, para aniya lumitaw at makilala ng mundo ang katangi-tanging pagkatao ng Pilipino. Doon lalong napahanga ang mga intelektuwal ng iba’t ibang bansa.

Mahinanon ding lumakad si Rizal, nakatali ang braso sa likuran, mula Fort Santiago patungo sa execution site. Nakiusap siyang huwag nang piringan, at iharap sana sa silangan, parehong ipinagkait sa kaniya ng mga manlulupig. Kaya sa hudyat ng “Fuego!” tumalikod siya at saka bumulagta sa lupa. Daan-daan ang nakasaksi. Sa pagkalat ng kuwento ng kadakilaan ni Rizal nainspira ang mga kabataan. Sila ang namuno sa Pilipinas noong mga sumunod na dekada tungo sa Kasarinlan.

Sa buong mundo ngayon hinahangaan ang talino ni Rizal. Sa Malaysia, Indonesia, Uropa, at South America pinag-aaralan ang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” para maarok ang pag-asam noon na maitatag ang unang Republika sa Asya. Sa Pilipinas pinag-aaralan ang tatlong sanaysay: “Pilipinas: Isang Siglo Mula Ngayon”, “Katamaran ng mga Pilipino”. at “Liham sa Kababaihan ng Malolos”. Pagsalungat ang mga iyon sa paratang ng mga manlulupig na mababang uri, tamad, at bobo umano ang mga Malay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with