^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Higpitan ang paggawa at pagbebenta ng lambanog

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Higpitan ang paggawa at pagbebenta ng lambanog

Marami nang kaso ng pagkalason na naging dahilan ng kamatayan dahil sa pag-inom ng lam­banog at hanggang ngayon, wala pa ring matibay na panuntunan ukol sa paggawa at pagbebenta nito. Paulit-ulit lang ang mga pangyayari at kapag may marami na namang namatay, saka lang uli maghihigpit at magkakaroon nang panandaliang pagbabawal. Kung kailan lang may mga mamamatay saka makakaisip na ipagbawal o maghigpit ukol dito.

Gaya nang nangyaring pagkalason at pagka­matay ng 11 katao sa Rizal, Laguna noong Sabado makaraang makainom ng lambanog sa dinaluhang­ party. Dalawa rin ang namatay sa Candelaria, Quezon makaraang makainom ng lambanog. Ang chemical na methanol na nakahalo sa lambanog ang itinuturong dahilan ng pagkalason. Ang methanol ay substance na lumalabas sa lambanog habang nasa distilling process at dapat itong alisin kara-karaka. Ang mataas na lebel ng methanol ang dahilan kaya nakalalason. Ang mga sintomas na nalason ng me­thanol ay pagsusuka, panlalabo ng paningin at pagkahilo. Ang lambanog ay galing sa tuba ng niyog.

Noong Disyembre 5, 2018, walo katao na pawang mga traysikel drayber ang namatay sa Novaliches, Quezon City dahil din sa pag-inom ng lambanog. Nagkaroon sila ng Christmas party at para makatipid sa alak, lambanog ang binili. Ang alak palang iyon ang maghahatid sa kanila sa hukay.

Mauulit ang pagkalason at pagkamatay ng mga umiinom ng lambanog kung hindi maghihigpit ang mga awtoridad partikular ang local government units (LGUs). Karaniwang ginagawa ang lambanog­ sa mga likod-bahay at “wido-wido” lang ang pama­maraan nila. Karamihan sa kanila ay walang kaalaman ukol dito. Hindi nila alam kung ang niluluto nilang lambanog ay sobra-sobra sa methanol. Tanging­ ang mga kemiko lamang ang nakaaalam kung mababa o mataas ang lebel ng methanol.

Higpitan ng LGUs ang paggawa at pagbenta ng lambanog. Isalba ang buhay ng mga tao sa barangay na ang tanging iniinom sa mga handaan at party ay ang murang lambanog. Nararapat idaan sa pagsusuri kung ang lambanog na ginawa sa likod-bahay ay ligtas inumin.

vuukle comment

LAMBANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with