^

PSN Opinyon

Mga pagkain na nakapagpapaganda ng balat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtatanong kung ano ba ang magandang kainin para gumanda ang balat? Mahalaga kasi ang hitsura dahil ito ang unang nakikita kapag tayo ay may kausap.

Ang wrinkles ay dulot ng pagkabawas ng collagen at elastin epekto ng pag-edad. Ang mga anti-oxidants tulad ng vitamin A, C, E at selenium ay depensa sa free radicals na sumisira ng mga selula.

Narito ang mga pagkain na nakapagpapaganda ng balat:

l Ang vitamin A o beta carotene ay para sa pagsasa-ayos o repair ng body tissue at proteksyon sa damage na dulot ng araw. Mga pagkaing mayaman sa vitamin A o beta carotene ay kamote, karots, kalabasa, kamatis, bayabas, letsugas, mangga at kangkong.

l vitamin C ay tumutulong sa pag-gawa ng collagen at proteksyon sa free radicals. Mayaman sa vitamin C ang bayabas, mangga, kalamansi, dalandan, sili, melon, straw­berry, okra, pinya, papaya at pakwan.

l vitamin E ay proteksyon ng cell membrane. Taglay ito ng abokado, mani, red bell pepper, manga, papaya broccoli at tomato paste.

l Kailangan ang selenium para sa posibleng protek­syon sa pinsala ng araw. May selenium ang talaba, tilapia, laman ng baka, hipon, brown rice, pitso ng manok, itlog, kabute, de latang tuna.

l Kailangan ang Zinc para mapanatili ang collagen at maiwasan ang pamumula, pagbabalat, pagkakaroon ng nana o impeksyon sa balat. Kumain ng talaba, baka, tenderloin o laman ng baboy, peanut butter, kasoy, mani, walnuts, at green peas.

l omega 3 fatty acids ay proteksyon sa pinsala ng araw. Ang mga pagkaing mayaman sa omega 3 ay sardinas, dilis, tawilis, hasa-hasa, alumahan, galunggong, tamban, walnuts, talaba, seaweeds o nori.

l Uminom ng sapat na tubig para at kumain ng mga prutas at gulay na matubig tulad ng pakwan, papaya, pineapple, peppers, melon, mangga, kalamansi, dalandan, broccoli, Karots, cauliflower, letsugas, kabute at kalabasa.

l Puwede rin ang tsaa dahil meron itong polyphenols, antioxidant at tubig.

l Piliin ang dark chocolate dahil ang cacao ay may anti-oxidant na flavonoids at pampasaya pa.

l Ang lato o seaweeds o nori ay may phytonutrients para sa balat, buhok at kuko. Mayroon ding iron, iodine, zinc, omega 3 fatty acid at selenium.

vuukle comment

PAGKAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with