^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pasko’y masaya pa rin sa kabila ng problema

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pasko�y masaya pa rin sa kabila ng problema

TOTOO na kakaiba ang mga Pilipino sa pag­harap sa problema. Kahit na dinaanan ng delubyo, magsasaya at magdiriwang pa rin nga­yong Pasko Kahit Paskong tuyo, maligaya pa rin ang Pasko. Patuloy pa rin ang pagsasaya kahit na dinaanan nang maraming problema.

Kamakalawa, isang trahedya ang biglang dumating sa mga kaanak ng nalason ng ininom na lambanog sa Rizal, Laguna. Sa huling report, 10 na ang namatay at marami pa ang nasa ospital at inoobserbahan. Tiyak na sa ospital magpapasko ang mga nakaligtas. Ang mga namatayan, tiyak na kakaibang Pasko ang kanilang tatamasahin. Ganunman, pilit pa rin nilang pasasayahin ang Pasko. Tuloy pa rin ang Pasko sa kabila nang nangyaring trahedya. Walang makakapigil sa pagdiriwang ng pagsilang ng mananakop.

Hanggang sa kasalukuyan, nasa isip pa ng mga biktima ng Bagyong Tisoy ang bangis ng hangin na nagwasak sa kanilang bahay at sumira­ sa mga pananim. Tila isang bangungot ang tuma­mang bagyo sa Bicol Region at Southern Tagalog provinces sapagkat nag-iwan nang napaka­laking sira at marami rin ang namatay. Hindi nila alam kung paano babangon. Pero sa isang babaing ininterbyu kung magseselebreyt pa rin sila ng Pasko sa kabila nang malaking pinsala na kanilang tinamo, siyempre naman daw. Sasalubungin pa rin nila ang Pasko na may ngiti sa labi.

Ayon pa sa babae, dumaan man daw sa kanila ang pagsubok, hindi pa rin sila makakalimot at patuloy na magsasaya kahit pa may dinanas na trahedya. Maligaya pa rin ang Pasko kahit na tinamaan ng delubyo. Walang makapipigil sa kanilang nakaugaliang pagdiriwang sa pagsilang ng mananakop.

Maligayang Pasko sa Lahat!

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with