^

PSN Opinyon

Maligayang Pasko mga suki!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PAALALA: Umiwas po tayong magpakalunod sa alak at sobra-sobrang pagkain ng mamantikang pagkain dahil masama ito sa ating katawan. Ang pagkain ng matatamis at maalat ay nakasasama sa kalusugan kung kaya hangga’t maaari, iwasan ito o kung hindi man ay katamtaman lamang ang inyong kainin. Sa panahon ngayon, mahirap ang magkasakit dahil bukod sa napakamahal ng mga gamot, mahal din ang bayad sa doctor at hospital. Hindi naman lahat ng mga ospital ay may libreng serbisyo kung kaya hanggang maaari, umiwas tayong lumantak ng sobra-sobra upang manatili tayong malusog. Palaging tandaan na ang sobrang pag-inom ng alak ay nauuwi sa disgrasya.

Katulad ng nangyaring barilan sa Christmas party ng mga sekyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) main office sa Port Area, Manila kung saan tatlo ang namatay. Lumalabas sa report ng Manila Police District-Station-5, nag-ugat ang pamamaril ng suspek na si Wilfredo Gamayon y Asuncion, sekyu ng Catalina Security Agency nang magkrus ang landas nila ng nakaalitang kapwa sekyu. Matagal na umanong may kinikimkim na galit ang suspek sa kapwa sekyu dahil sa paglipat-lipat sa kanya nang pinagpupostehan. Kaya nang masayaran ng alak ang sikmura nito, biglang umakyat sa ulo at namaril sa loob mismo ng pinagpapartihan. Dinala ang apat na biktima sa iba’t ibang ospital subalit namatay ang tatlo sa mga ito. Nasakote naman ng mga pulis ang papatakas na suspek kaya naghihimas na siya ng malamig na rehas ngayon at nakatakda nang sampahan ng multiple murder. Iyan ang bunga ng labis na pag-inom ng alak. Ang masaklap, damay ang kanyang pamilya sa ginawang kabulastugan. Watak-watak na sila sa noche buena ng kanyang mga mahal sa buhay.

Samantala, dahil sa sobrang mahal ngayon ng alak, marami sa ating mga kababayan ang tumatangkilik sa sariling alak -- ang lambanog. Mas mura na di hamak ang inuming ito kaya ito ang nilalaklak ng ilan nating mga kababayan. Ang masaklap mukhang na-wrong timing sila dahil mukhang lason ang kanilang tinungga mga suki. Sa ngayon kasi umaabot na sa 11 ang patay at mahigit 80 katao ang kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang ospital sa Maynila at Quezon City. Hindi na natuto ang ilan nating mga kababayan, dahil noong nakaraang taon din ay may ganito ring pangyayari sa Quezon City na marami rin ang namatay matapos uminom ng lambanog.

At noong Sabado ng gabi, naulit na naman ito sa Laguna. Lumalabas na ang lambanog na kanilang ininom ay nanggaling umano sa Candelaria, Quezon. Ayon kay Mayor Vener Munez ng Rizal, Laguna, naalarma siya nang malamang isinugod sa ospital sa Nagcarlan at San Pablo City ang mga nakainom ng lambanog. Marami rin ang isinugod sa sa Philippine General Hospital at Jose Reyes Medical Center sa Maynila at East Avenue Medical Center sa Quezon City. Ayon sa report, 127 pasyente ang dinala sa PGH. Ang masaklap, may 13 anyos na biktima ng lambanog. Ganyan sa probinsiya mga suki, bata pa lang ay marunong ng uminom ng alak kaya hayun, kasama siya sa napuruhan ng nakamamatay na alak. Mga suki, iwas-iwas po tayo sa pag-inom ng lambanog at baka si Kamatayan na ang inyong katagayan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with