^

PSN Opinyon

Pinindeho ni Misis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

MATAPOS mapakinggan ang reklamo ni AA at maipadala ng OCA ang kaso sa huwes at mapag-aralan lahat ng ebi­densiya lalo ang mga litrato sa camera na huli ang kaka­ibang pagtitinginan nina BB at EE, gumawa ng rekomen­dasyon ang OCA para tanggalin sa trabaho ang dalawa dahil sa imoralidad. Kinatigan ng Supreme Court ang reko­mendasyon at pasya ng huwes. Sapat ang ebidensiyang ipinakita ni AA para patunayan na nakipagrelasyon ang asawa kay EE.

Nakatulong din ang mga litratong ipina­kita ni AA para tumibay ang kanyang paratang at pinasinungalingan din ng mga litrato ang palusot ni BB na magkaibigan lang sila ni EE. Walang pag-aalinlangan na may relasyon sila at lumabag sa panuntunan ng moralidad ng ating lipunan.

Ayon pa sa SC, dapat maging ehemplo ng integridad, katapatan at katinuan ang mga empleyado nito. Tulad ng ibang kawani ng gobyerno, dapat magpakita sila ng pinakamataas na respeto sa moralidad, integridad at kata­patan sa lipunan hindi lang sa pagtupad ng kanilang tungkulin kundi pati sa kanilang personal na buhay at sa pribado nilang transaksiyon sa ibang tao. Pangalagaan dapat nila ang pangalan at katayuan ng korte dahil­ nasa­salamin sa kanilang opisyal at personal na kilos ang hudi­katurang pinagsisilbihan.

Ayon sa Rule IV, Uniform Rules on Administrative Ca­ses in the Civil Service, ang kahiya-hiyang kilos at immoral na gawain ay inihahanay sa grave offense na ang parusa ay pagkatanggal sa trabaho. Pero dahil ito pa lang ang unang kasalanan ni BB, hindi akma ang rekomendasyon na tanggalin agad siya.

Ayon sa batas, maaaring suspendihin muna siya ng 6 na buwan at 1 araw. Tungkol naman kay EE, dapat ibasura na ang kaso dahil sa kawalan ng kapangyarihan na sakupin pa siya ng OCA. Tutal, nasibak na siya at natanggal sa listahan ng mga Sheriff dahil hindi na pumapasok sa trabaho noong panahon na isinampa ang kasong administratibo laban sa kanya (Gibas, Jr. vs. Gibas and Lintao, A.M. P-09 2651, March 23, 2011).

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with