^

PSN Opinyon

Huwag nang makipag-usap kay Joma Sison

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Nagbabago na naman ang isip ni President Duterte at gusto na namang makipag-usap sa founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sabi niya noong nakaraang taon, hindi na makikipag-peace talk sa CPP-NPA. Pinagmumura pa nga niya si Jose Maria Sison at nagpalitan pa sila nang maaanghang na salita. Nang ambusin ang mga sundalo noong nakaraang taon ng mga miyembro ng NPA, lalo nang nagdeklara nang paki­kipaggiyera si Duterte sa mga ito. Pinaghanda pa nga niya ang mga sundalo. Linisin ang mga baril para sa paki­kipaglaban sa mga komunista. Sabi pa niya, wala nang magaganap na usapang pangkapayapaan sa mga komunista. Tapos na talaga at pinauuwi pa nga niya si Sison. Maraming beses na sinabi ni Duterte na hindi na makikipag-usap sa mga makakaliwang grupo.

Pero ngayon, sabi niya bubuksan muli ang usapang pangkapayapaan. Inutusan niya si Labor Secretary Silvestre Bello na magtungo sa Netherlands para makipag-usap kay Joma.

Nagsasayang lamang ng oras at pera sa pakikipag-usap kay Sison. Palagay ko, walang mangyayari sa usapang­ ito. Katulad din ng dati, walang mapagkakasunduan. Pareho kasing may duda sa isa’t isa. Kaya malakas ang aking­ paniwala na walang patutunguhan ang balak na usapang pangkapayapaan kuno. Ituon na lang sa iba pang mahalagang bagay kaysa makipag-usap kay Sison.

Kung ako ang tatanungin, dapat sa mga NPA na lang makipag-usap si Duterte. Tutal naman at ang grupong ito ang talagang nakakaharap ng mga sundalo at hindi si Sison na nagpapasarap sa Netherlands. Kung sa NPA makikipag-peace talk, malaki ang pag-asang may mararating.

Sa pagkaalam ko, marami nang NPA ang nagbalik-loob mula nang si Duterte ang naging Presidente. Ibig sabi­hin, may tiwala sila sa liderato ni Duterte. Ilang buwan na ang nakararaan, ang mga sumukong NPA ay pinagbakasyon pa ni Duterte sa Hong Kong bilang pangako.

Huwag nang i-pursue ang pakikipag-usap kay Joma. Sayang lang! ---JOSE MANGGUBAT, Dalandanan,Valenzuela City

vuukle comment

CCP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with