^

PSN Opinyon

Basura crisis matindi

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Si Department of Environment and Natural Resources­ (DENR) Secretary Roy Cimatu ang umamin kama­kailan na seryoso ang umiiral na krisis sa basura sa bansa.

Kung ako ang tatanungin, matagal nang seryoso ito pero ang mga nakalipas na administrasyon ay walang inilatag na remedyo para talagang masugpo ito. Tuloy pa rin ang walang habas at walang konsen­syang pagtatapon ng basura ng marami sa ating mga kababayan, partikular sa mga tinitirhan ng informal settlers. Kabilang na rin sa mga umaalipusta sa kali­kasan ay ang mga esta­bli­simentong komersyal na wala ring budhi sa pagtatapon ng basura.

Alam niyo ba na ang pagdumi ng ating pamosong Manila Bay na kinikilala ng daigdig dahil sa kariktan nito, lalo na kung lumulubog ang araw ay bunga ng mga basurang itinatapon sa mga estero ng ilang mga residente sa May­nila, Parañaque, Pasig at Mandaluyong? Ang mga lugar na ito ay natukoy na may mga estero na nakaugnay sa Pasig River.

Kung ang mga residente ay walang puknat na nagta­tapon ng mga plastic at iba pang nakalalasong basura, dadaloy ang mga iyan sa Ilog Pasig na siya na ang magdadala ng toxic wastes sa Manila Bay. Hindi lang mga pribadong residente ang guilty sa pagtatapon ng basura kundi pati mga commercial establishments.

Kaya nga nagtalaga ng mga Estero Rangers ang DENR sa bawat barangay upang bantayan ang mga residente at pigilan sa kanilang iresponsableng pagta­tapon ng basura. Ang problemang ito ay dapat pagtulungan ng lahat: gobyerno, pribadong sector at pribadong mamamayan. 

Sabi nga ni Usec. Benny Antiporda ng DENR, hindi ang plastic na itinatambak sa mga daluyan ng tubig ang problema kundi ang mga taong plastic na nagtatapon ng mga ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with