^

PSN Opinyon

Mga tunay na bayani

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Maituturing nating mga bayani ng makabagong panahon ang lahat nang nakilahok sa ginanap na SEA Games sa ating bansa.

Maraming naturingang bayani sa iba’t ibang paraan at ang iba ay hindi nalathala dahil nga nangyari ito sa malayo at liblib na lugar sa ating bansa.

Pero meron tayong dalawang maituturing at mainit na pinag-uusapan ang kabayanihan. Sila ay sina Police Master Sargeant Jason Magno at surfer Roger Casu­ngay.

Si Master Sargeant Jason Magno ng Misamis Oriental ay nagbuwis ng sariling buhay para maiwasang mapahamak ang mga estudyante at guro sa Initao College campus dahil sa isang inihagis na granada ng isang lalaking nag-amok.

Hindi nagdalawang isip si Magno na daganan o da­paan ang granada. Mas inuna niya ang kapakanan ng nakara­rami kaysa sa sariling kaligtasan.

Masasabi kong maraming bugok sa hanay ng PNP dahil sa hindi mamatay-matay na kotong cops at ninja cops pero marami pa rin sa kanila ang nagbubuwis ng buhay sa larangan ng trabaho. Marami pa rin ang mara­rangal na pulis.

Si Roger Casungay naman ay kalahok sa SEA Games. Hindi matatawaran ang kanyang ginawa sa katungga­ling Indonesian. Habang sila’y nagpapasiklaban sa nag­­lalakihang mga alon, aksidenteng natanggal ang leash ng kanyang katunggali.

Hindi nagdalawang isip si Casungay na iligtas ang kapwa manlalaro. Sinagip niya ito sa bingit ng kamatayan.

Para sa akin hindi matatawaran ang ginawa ng ating mga kapwa Pinoy na maituturing na mga bagong bayani­.

Hindi man pinalad na mabuhay si Master Sargeant Magno pero nakatatak na sa ating puso at isipan ang kanyang kabayanihan.

At ito namang si Casungay, kasalukuyang ninanamnam ang magagandang papuri galing sa iba’t ibang lahi sa buong mundo. Maski si Indonesian President Joko Widodo ay pinuri ang kanyang ginawang kabayanihan.

Malaking puntos ito para sa ating bansa dahil ang mga Pinoy ay mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa medalya.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with