^

PSN Opinyon

No need

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ikinagulat ng madla nang ianunsyo ng Palasyo kahapon na wala nang extension ng Batas Militar sa Mindanao sa darating na 2020. Maaalalang hanggang Dis. 31, 2019 na lamang itong huli at pangatlong extension na ibinigay ng Kongreso.

 Nauna nang magpahayag ang Philippine National Police (PNP), ang Armed Forces of the Philippines (AFP), si Local Government Secretary Eduardo Año, dating martial law admi­nistrator, at si Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasaluku­yang martial law administrator, na wala nang pangangailangan pa para sa isang ulit pang extension ng martial law. Ang gustong sabihin nito ay nasiguro na nilang wala nang mga security threat sa Mindanao.

 Ang siege of Marawi ang naging ugat ng pagdeklara ng martial law noong 2017. Naging desisyon ng pamahalaan na kailangang pumasok din ang AFP dahil namemeligro ang seguridad ng lugar sa pagpasok ng mga puwersang konektado sa ISIS. Nang maglaon, buong Mindanao na ang isinailalim sa batas militar dahil hindi na rin masagot ng pamahalaan ang seguridad ng buong Mindanao.

 Marami ang tumutol sa ginawang deklarasyon at sa patuloy nitong ekstensyon. Wala namang may isyu sa kapangyarihan ng Pangulo o sa diskresyon ng Kongreso. Ang naging sentro lang ng mga debate sa Kongreso at sa Supreme Court ay kung sapat bang batayan ang ginamit ng Pangulo gayong, ayon sa Saligang Batas, dapat ay may rebellion na nangyayari para makapagdeklara nito.

 Alam nating lahat ang nangyari. Kinatigan ng SC ang Pangulo. Kung sa kanyang pananaw ay aabot sa rebellion ang nagaganap sa ibaba, hindi pakikialaman ng Korte ang determinasyon ng Pangulo.

 Ngayong isasara na ang kabanata, makikita natin na hindi naman talaga “uhaw” sa pagkakaroon ng kapangyarihan ang Presidente. Sabi niya noong Biyernes, “Yang martial law, martial law, wala yan. Kalokohan yan. Bugok lang na presidente ga­gamit niyan. It’s an overused, abused word, martial law and... its practice”. Kung kaya nang irekomenda ng kanyang mga puwer­sang militar at kapulisan na no need, agad na itong pinatigil.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with