^

PSN Opinyon

Galing ng Pinoy!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI man tayo pinalad masungkit ang Miss Universe crown, wagi naman tayo sa 2019 SEA Games at nakamal natin ang pinaka-maraming gold medals. Nailagay ang Pilipinas sa mapa ng pagkilala at paghanga ng daigdig. Say ninyo mga bashers ng SEA Games?

Pormalidad na lang ang hinihintay upang ideklarang overall champion ang ating koponan. Talagang hindi kukunsintihin ni Lord ang maling gawa lalo na yung paninira ng mga Pinoy sa kapwa Pinoy. Anyway, salamat na rin sa walang puknat ninyong pagbatikos na nagsilbing challenge sa ating mga atleta para magpunyagi at masungkit ang sandamakmak na medalya. Tagumpay ang mga Pinoy Athletes na masungkit ang 113 gintong medalya sa umaga pa lamang ng day 9 ng kompetisyon. Kapantay na nito  ang 113 gold medals na nasungkit ng Pinas sa 2005 SEA Games na ginanap rin sa Pinas. 

At dahil sa determinasyon ng mga atletang Pinoy at pagsisikap ng Duterte administration, Philippine South East Asian Games Organizing Committee o PHISGOC sa pangunguna ni House Speaker Alan Cayetano at iba pang sports officials, natupad ang pangarap ng sambayanang Pilipino na makuha ang korona sa patapos na 30th South East Asian Games. Marami pang sports events na paglalabanan kasama na ang boxing at iba pa kaya marami pang ginto ang posibleng bumuhos.

Bakit kay bilis sunggaban ng mga bashers ang negative news pero kapag positive news, tameme sila? Heto pa ang isang good news: sa Pilipinas na gagawin, partikular sa Aquatic Center sa New Clark City sa Tarlac ang isang international swimming competition na lalahukan ng 50 bansa. Pati ang turismo ng Pilipinas uusbong ng husto dahil dito. Dapat tayong mag-celebrate at palakpakan ang mga atletang Pinoy lalo na ang mga nakapagtala ng mga record breaking moments sa 30th SEAG kabilang na ang pagbasag ni Kristina Knott sa national record ni Lydia de Vega sa 200m women’s run na kanyang pinagreynahan sa loob ng 33 taon. 

Tinapos din ng PH men’s volleyball team ang paghahari ng Thailand sa SEAG volleyball event. Nakopo ng grupo ang gintong medalya na sunod-sunod na pinanalunan ng Thailand sa loob ng limang taon. Ang panalo ni surfer Roger Casugay ng gold medal matapos iligtas ang karibal na Indonesian surfer sa peligro. Palakpakan natin ang mga atletang Pilipino at lahat ng nasa likod sa pagdaraos ng 30th SEA Games.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with