^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa halip na cash, bigas ang ibigay sa mahihirap

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sa halip na cash, bigas ang ibigay sa mahihirap

MAY solusyon na kung paano matutulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tarrification Law. Bilhin ng gobyerno ang mga ani nilang palay. Kapag naging bigas na ang mga palay, ito ang ibigay sa mga mahihirap kaysa sa cash grants. Mas mapapakinabangan ang bigas sapagkat ang buong pamilya ay makakakain. Kung pera, maaaring ipangsugal pa o ibili ng walang kakuwenta-kuwentang bagay.

Buwan-buwan may tinatanggap ang mga mahihirap na pamilya mula sa gobyerno sa buong bansa. Ito ‘yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Nag-iisyu ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash cards at dito iwi-withdraw ang buwanang cash grants.

Pero sabi ng  DSWD, maraming benepisyaryo ang “isinasangla” ang kanilang cash card. Kaya sa dakong huli, wala rin silang maibili ng pagkain gaya ng bigas at iba pang pangangailangan. Gutom din ang inaabot ng kanilang pamilya. Lalo lamang silang naghihirap.

Noong nakaraang linggo, isang panukala ang ipinasa ng mga mambabatas kung saan, hindi na cash ang ibibigay sa mga mahihirap kundi bigas. Halos lahat ng mambabatas ay bumoto  sa ilalim ng panukala, ang 4Ps cash na ibinibigay ay ibibili na ng bigas at ito ang ipamamahagi sa mga mahihirap.

Sa batas na ito, hindi lamang ang mga mahihirap na pamilya ang makikinabang kundi pati na rin ang mga local na magsasaka na naapektuhan nang pagdagsa ng imported rice. Mula nang ipatupad ang Rice Tarrification Law, bumaha ang imported na bigas at bumaba ang presyo ng palay. Nalugi ang mga magsasaka. Hindi nila nabawi ang ginastos sa pagtatanim.

Sa bagong batas, tiyak nang makakabawi ang mga magsasaka. Hindi na sila mamuroblema kahit dumagsa ang imported na bigas sapagkat sigurado nang may bibili ng kanilang ani.

Suportahan ang batas na ito. Bigas ang ipagkaloob sa mga mahihirap kaysa cash. Kapag bigas, maari nang agad isaing at mapagsaluhan ng pamilya. Marami ang masisiyahan at mabubusog.

vuukle comment

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

RICE TARRIFICATION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with