^

PSN Opinyon

Si Drilon ang sisihin - Rep. Mikee Romero

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para kay 1-Pacman party list Cong. Mikee Romero, si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang dapat sisihin sa pagkaantala ng preparasyon ng 30th SEA Games. Oo nga naman. Si Drilon ang tumapyas ng P2-Bilyon sa pondong gagamitin sana sa SEA Games na umaabot sa P9.5-B sa deliberasyon ng Senado sa 2019 National Budget. 

Noong Mayo lamang naipalabas ang pondo para sa SEAG. Naantala  ito nang apat na buwan dahil sa iringan ng kongreso at senado tungkol sa pork issue. Marami na sanang nagawa ang organizers tulad ng konstruksyon sa mga SEAG venues, paghahanda sa pagkain at kung anu-ano pa kung naaprobahan sa takdang oras ang budget. Dapat ding sumunod ang mga organizers sa mga bidding at procurement process ng DBM. Ewan ko kung ano ang intensyon ng Senate Minority Leader.

Ininsulto pa ni Drilon ang Obra ng national artist na si Miñoza na lumikha ng cauldron ng SEA Games sa New Clark City. Tinawag niya itong “kaldero”. Kinuwestyon niya  ang P45-M na ginugol sa istruktura na magsisilbing pailaw hanggang matapos ang sports event. Halatang pinupulitika ni Drilon ang isang mahalagang pandaigdig na torneo­ na magbibigay ng karangalan sa ating bansa, aakit ng mga turista na magpapasok ng revenue sa bansa at higit sa lahat, maglalagay sa Pilipinas sa mapa ng pandaigdig na pagkilala.

Ang mga atleta ang nababalahura sa mga pinakawalan­ niyang akusasyon dahil ang cauldron ay ang pang­ka­bu­uang simbolo ng tapang, gilas, puso at tatag ng atletang Pili­pino. Sa halip na batikusin, ‘di ba dapat ay nagbigay ng tapik sa balikat si Drilon sa mga atletang Pilipino?

At dahil sa pagpapakawala niya ng mga akusasyon, ‘di ba nga’t na-fake news at nakuryente pa si Drilon nang aku­sahan niya si BCDA President Vince Dizon na manu­gang ni Miñoza na siyang nagdisenyo sa cauldron. Ayun, karaka-rakang nag-sorry kay Dizon si Drilon.

Sabihin na nating may mga aberya sa pagkain, transportasyon at accomodation na nararanasan din ng mga atletang Pinoy kapag sumasabak sila sa mga international competition sa ibang bansa, daragdagan mo pa ba ng paghila pababa sa kapwa mo Pinoy? 

Sana naman, magkaisa ang mga Pilipino habang idinaraos ang palaro at tigilan muna ang mga puna at batikos. 

vuukle comment

MIKEE ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with